"Lalim ng iniisip ah? may nangyari ba?" Napalingon siya kay Aljon na tumabi ng upo sa kanya. Kung saan nasa gilid sila at pinapanood ang production team na abala para sa huling linggo ng shooting para sa movie nila, pangkasalukuyan na nagbabatuhan ng linya si Erin at Clyve ngayon sa set kaya nandito siya sa malayo at nakamasid. "May problema ba?" Napabuntong hininga siya pagkatapos ay umiling, "Okay lang medyo nagkaroon lang ng hindi pagkakaunawaan kami ni Erin kanina nung tinangong ko medyo nagalit siya, kasi akala niya nagagalit ako sa kanya." "Hindi ka ba, nagalit kasi sumama siya sa Clyve na 'yon?' "Yung totoo? Oo. Pero may magagawa ba ako?" siguro noon oo , pwede akong magalit kahit napakababaw kasi nagseselos ako, sa simpleng ayoko, at ayoko na hindi siya nagpapaalam lalo pa pa

