Humahagulgol siya sa labas ng emergency room. Hindi halos maalis ang tingin sa glass window na humaharang sa pagitan nila ng asawa na pilit isinasalba ng mga doctor. Na sa bawat pagdaplis ng defibrillator sa dibdib nito at pag-angat ng katawan nito mula sa higaan ay pakiramdam niya paulit-ulit na sinasaksak ang puso niya. Nakatitig lang sya sa mukha ni Hunter na parang ang payapa habang nagkakagulo ang lahat ng dahil sa isang matalas na tunog ng linya sa monitor na indikasyong wala na itong buhay. "Anak," hinawakan sya ng mahipit ng kaniyang ina at pilit na inilayo sa bintana pero parang hindi siya makagalaw. Ayaw niyang malingat... ayaw niyang hindi tignan ang mukha ng asawa "Anak, tara na muna." niyakap siya ng ina.. "Nak, tara na muna sige na." "Hindi.." Umiling siya, "Hindi pa...
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


