Mag-aala shete na nang marinig ni Yuan ang katok mula sa labas ng kanyang silid na nakapagpagising sa masarap niyang tulog, iniisip niya baka ang dalaga iyon kaya binuksan niya ang pinto pero mukha ni Jean ang bumungad sa kanya. “Honey! Bakit may babae sa guest room?” pag iinarte nitong tanong. Mahihirapan na naman siya sa babaeng ito na patahimikin lalo ngayon nakita nito si Juvilyn sa guest room. “Jean, pwede ba ang aga-aga para mambulahaw ka. Umuwi ka muna.” “Sagutin mo ako! Kundi susugurin ko ang babaeng iyon!” Lumabas siya bago hinila ang braso ni Jean pero bago pa man niya mailabas ito nagising na si Juvilyn na parang gulat na gulat. Hinawakan niyang mabuti ang braso ni Jean dahil baka sugurin nito ang dalaga. “Hoy! Babae ka anong ginagawa mo sa condo ni Yuan?” mataray na ta

