Ryan pov Noong nakaraang gabi pagkalapag ko sa airport ng dito sa Cebu. Agad kong pinatingnan ang cctv footage nila. Agad kong nakita na bumaba nga si Bhella sa eroplano at may kasama siyang lalaki. Ang bilis naman niyang magtiwala s stranger. Nakita ko ito na sumakay sa isang land cruiser na kulay itim. Agad kong pina-post ang video para makuha ko ang plate number. Nag-check in ako sa isang hotel malapit sa airport. Gulong-gulo na ang aking utak kung paano ko nga ba hanapin si Bhella. Sobrang nag-alala ako dahil buntis siya. Bakit ba ang dali naman niya akong binitiwan. Magdamag akong uminom ng alak sa loob ng aking hotel room. Kinabukasan nagising akong pagabi na, napapailing nalang ako sa aking ulo dahil sinayang ko ang isang araw. Maraming tawag, sms hanggang sa nawalan na pala ng b

