Third party pov Dahil nahuli ang lahat ng mga tauhan ni Artemio Santiago natitiyak niyang idadawit siya ng mga ito. Kaya gabi palang nauna na niyang pinalayo ang kanyang kerida at tatlong mga anak. Hindi siya matatahimik hanggat hindi niya mapatay si Bhella. Lalo pang umusbong ang kanyang galit ng malaman na pinalabas na ng kulongan ang kanyang panganay na anak sa kanyang asawa. “Hayop ang anak mo Arabelle Santiago. Sinira niya ang aking magandang plano, pagbabayaran niya ang kanyang ginawa. Hindi ako makakapayag na sisirain lang niya ako basta-basta. Damay-damay na tayo sa impyerno bhella.”tiim bagang niyang saad at tumungga ng alak. Kinabukasan kasama ang kaibigan ni Artemio Santiago sumakay sila sa isang motor. Nag-aabang sa bahay ng kanyang tiyuhin. Laking gulat nalang ni Artemio na

