Bhella pov Grabeh talaga ang kalokohan ng kapatid ko. Hindi ko akalain na tatalian niya ako para hindi makapalag. Ang hirap mag-move on dahil super nakakahiya yon. Hindi pa naman ako sanay sa mga dating-dating kahit na nasa liberated place ako. Busy ako sa mga bata at syempre sa trabaho at pag-aaral. Naisahan talaga ako ng tukmol kong kapatid. Napasayaw at napatugtog pa niya ako ng piano. Pinakanta pa ang mga anak ko, syempre bilang ina tuwang-tuwa naman ako. Nakakaproud ang performance nila na kasama ko sa stage. At ang buknoy nagpapabango ng husto. Todo asikaso sa mga bata at pati sa akin kinuhanan pa ako ng pagkain. Pakitang gilas sa mga kaibigan o baka para makampihan lang. Nagmatured na talaga siya, lumaki na ang katawan. Kung gaano kalaki ang katawan ay sana hindi siyang kaliit ng

