Ryan pov Pambihirang babae talaga, manok ng manok. Anong klaseng trip ba ang pinaggagawa niya? Kakaligo ko lang mabaho daw ako. Anong sabon o pabango ba dapat ang gagamitin ko para maging mabango naman ako sa pang-amoy niya. Bro, sampung manok nga tsaka damihan mo ang kanin. Pang breakfast at lunch ng fiance ko yan. Hindi ko alam kong ano ang meron dyan sa manok mo at nababaliw ang fiance ko. Nilagyan mo ba yan ng gayuma? Bakit iyan ang palaging hinahanap niya? Since kahapon na naparito siya puro na manok ang kinain niya. “Engineer congratulations!” ang asawa ni Rodzon. Oh Madam nandyan ka pala, thank you. “Baka kambal ulit ang anak mo.”si Meghan. Huh? Anong ibig mong sabihin? “Hala engineer lutang ka ba? Narinig ko ang usapan ninyo ng asawa ko. Manok ng manok kamo ang fiance mo. Ba

