Ten years later.....
"Congratulations Bhella apo sa wakas makaka-graduate kana sa high school. Anong gusto mong regalo namin ng Lolo Sergio mo? Huwag ka nang mahiya dahil deserve mo ang magkaroon ng regalo. At isa pa valedictorian ka apo, we are proud of you."sabi ng Lola Ester niya.
You read it right lola at lolo ang tawag niya sa matandang kumupkop sa kanya.
"Bhella apo may kabayong si Bhalla kana. Gusto mo ba ng sasakyan? Tama kotse nalang ang ibibigay ko sayo."masayang sabi ni Don Sergio.
"Naku lo, ayoko po ng sasakyan. Pag-aaral po sa kolehiyo iyon nalang po ang iregalo ninyo sa akin. Gusto ko lang naman po na makapagtapos sa kolehiyo. Ayoko po ng mga material na bagay. Sapat na po sa akin ang may matitirhan, makakain at makapagtapos sa kolehiyo."malumanay na sabi ni Bhella.
Malambing na bata si Bhella, matulungin, magalang st higit sa lahat matalino. Opposite naman sa attitude ni Elsie na isang maldita, walang respito sa mga magulang. Bulakbol sa pag-aaral at palaging kasama ang barkada. Kapag oras na ng pasulit sa kanya nangungupya ng sagot. Lahat ng project ni Elsie ay si Bhella na rin ang gumagawa. Kapag tumanggi siya ay sinasampal o di kaya'y sinasabunutan siya nito. Wala siyang laban sa katapangan at pagiging maldita nito. Hindi siya pweding magsumbong dahil sinasabi nitong nagsasayang lang daw ng effort si Bhella dahil sampid lang naman ito sa kanyang pamilya. Magpasalamat pa nga daw dahil pinagamit ng ama ni Elsie ang apilyedo nito. Bastarda, abandonada, pulubi, sampid, mga katagang madalas niya naririnig mula kay Elsie.
Walang ibang magagawa si Bhella kundi ang manahimik at palihim na umiiyak nalang sa kanyang silid. Hindi niya mawari kung bakit napaka lupit ng tadhana sa kanya. Noong nasa primary pa lang sila maayos naman ang lahat. Naging mabuting magkaibigan naman sila ni Elsie. Share sila sa lahat ng bagay, palaging magkasamang naglalaro. Silang tatlo ni buboy ay palaging magkasama.
Nagbago lang ang lahat nang naging valedictorian siya sa primary school. At nang may nagustuhan si Elsie at si Bhella ang niligawan. Doon na nagsimulang lumala
ang kanilang hidwaan. Kahit hindi naman sinagot ni Bhella ang kanilang kaklase big deal parin ito kay Elsie. Kahit anong pagpakumbaba at pagpapaliwanag niya ay hindi ito pinaniniwalaan ni Elsie.
Sa mansion naman ng mga Ramos ang apo nina Don Sergio at donya Ester na si Ryan ay ayaw sa kanya. Dahil sa nangyayari na hindi naman niya ginawa napagbintangan siya. Si Elsie ang may kasalanan ngunit si Bhella ang idiniin nito.
Flashback....
Nasa primary palang sila noon, nagkakasiyahan sa swimming pool. Sina Vheancy, buboy, Ryan , Elsie at si Bhella. Nasa gilid o mababaw na bahagi lang ang dalawang magkapatid dahil hindi ito marunong lumangoy.
Pumasok sa loob ng bahay sina Vheancy at buboy para kumuha ng kanilang pagkain.
Naglalakad noon si Ryan sa gilid ng pool. Bigla itong itinulak ni Elsie sa malalim na bahagi. Tumalon kaagad si Bhella para saklolohan si Ryan. Hinawakan ni Bhella ang buhok ni Ryan at iniangat pataas. Hinila niya ito papunta sa ibabaw. Humingi si Bhella ng tulong kay Elsie pero imbis na tumulong tumalon ito sa tubig. Nang umahon ay tumakbo ito patungo sa loob ng mansion.
Nang bumalik ay agad na tumabi kay Ryan at nagkunwari na nag- cpr. "Mama, tulongan nyo po si senyorito Ryanair. Itinulak po siya ni Bhella sa malalim na bahagi ng pool kahit pa alam naman niyang hindi ito marunong lumangoy. Ang sama talaga ng ugali ni Bhella mama."umiiyak na sumbong ni Elsie sa kanyang ina.
Dahil sa gulat ay hindi na nakapagsalita si Bhella.
Tumakbo nalang ito sa kanyang silid at doon humagulhol ng iyak. Hindi niya nagawang depensahan ang kanyang sarili mula sa akusasyon ni Elsie.
Tinawag si bhella para mananghalian hindi na ito nakasagot dahil nakatulog sa pag-iyak.
Kinabukasan iniiwasan na si Bhella nina Ryan, Vheancy, buboy at Elsie.
Hindi na siya isinama sa paglalaro. Hindi naman nagpupumilit si Bhella. Ang ginawa nalang niya ay tumutulong sa gawaing bahay. Kahit pa pinagbawalan siya ni Perlyn. Habang lumalayo sa mga dating kalaro. Mas naging independent si Bhella at naging matapang para harapin ang mga pagsubok.
End of flashback....
"Huwag ninyong i-spoiled ang babaeng iyan Lo. Hindi natin siya kadugo kaya wala siyang karapatan sa kung ano man ang meron kayo dito sa hacienda."sabi ni Ryan.
"Anong problema mo Ryanair Park? Minsan ka nga lang bumibisita dito dahil busy ka sa iyong pag-aaral tapos pinagsasalitaan mo pa ng mga masasakit na salita kahit wala naman siyang maling ginawa."saad ni donya ester.
"Anong wala? Nang dahil sa kanya kamuntik na akong mamatay dahil tinulak niya ako sa pool lolo."galit na sabi ni Ryan.
"Apo matagal na yon, at nakailang beses nang humingi ng tawad sayo ni Bhella. Kalimutan mo na yon apo, at tsaka malalaki na kayo. Move on Ryan, huwag mong panatilihin ang galit dyan sa puso mo. Matuto kang magpatawad, dahil masarap mamuhay na walang hinanakit o sama ng loob sa kapwa."payo ni Don Sergio sa kanyang apo.
"Bhella anak pwedi bang pakihatid mo nga itong pagkain sa papa Kolas mo,"pakiusap ni Perlyn kay Bhella.
"Sige po ma akin na po, ihahatid ko na,"sang-ayon ni Bhella sa utos ng ina-inahan.
Basta't kaya niya hindi siya tumatanggi sa anumang iutos sa kanya.
Hinanda na ni Bhella si Bhalla para sakyan papunta sa kinaruroonan ng kanyang ama-amahan. Nasa dulo ito ng Hacienda Ramos kaya Kailangan niyang sumakay ng kabayo.
Si Elsie naman ay tuwang-tuwa kapag nakikita niyang nagagalit ng husto si Ryan kay Bhella. Hindi niya hinahayaan na maging malapit ang dalawa kaya gumagawa siya ng kung anu-anong kwento na ikinainis ni Ryan.
Kaya tuloy palaging nanlilisik ang mga mata ni Ryan kapag nakikita niya si Bhella.
Inaakit din ni Elsie si Ryan paunti-unti hanggang sa mahulog ito sa patibong niya.
"Akin ka lang oppa kaya dapat ang attention mo ay sa akin lamang."anas ni Elsie Salvador.
Nang umalis si Bhella niyaya din ni Elsie si Ryan na mamasyal sakay sa kabayo. Isang kabayo lang ang gamit nila. Para namang kiti-kiti si Elsie na nakayapos sa likuran ni Ryan.
Sinamantala din ni Ryan ang pagpapakitang motibo ni Elsie sa kanya. Sabi nga niya sa sarili e-enjoy niya ang kanyang bakasyon bago bumalik sa Maynila para mag-aaral sa kanyang engineer course. Malapit na niyang matapos ang civil engineer. Kaya magpoproceed na siya sa kanyang Petroleum Engineering course kagaya ng kanyang ama na CEO ng GSEC na naka base sa Middle East.
Nakasunod sila sa kabayong sinasakyan ni Bhella. Hindi man lang ito lumingon sa gawi ng dalawang naglalandian habang nakasakay sa kabayo. Puno ng halakhakan at mga malanding conversation. Di nagtagal ay nawala ang ingay sa likuran ni Bhella. Hindi na siya lumingon pa dahil baka nakatingin lang ang dalawa sa kanya. Minabuti na lamang niya na magpatuloy sa patungo sa lugar kung saan naroon ang ama-amahan na si Kolas.
Siguradong hindi pupunta doon ang dalawa dahil tiyak na takot itong makita ng mga trabahante at ng ama ni Elsie.
"Pa, heto po ang pagkain ninyo kuhanin nyo na po."sabi ni Bhella.
"Salamat anak, napakabait mo talaga. Mga pare, itong anak kong si Bhella ang valedictorian. Matalino ito at gusto nitong mag-aral sa kolehiyo bilang guro. Magiging professor sa kolehiyo balang araw ang anak kong si Bhella."pagmamayabang ng ama-amahan ni Bhella.
"Maligayang pagkatapos sa high school Bhella. Sana matupad mo ang iyong mga mithiin sa buhay. Napakabait mong bata, napakalayo ng ugali mo kay Elsie. Pasyensya na pare huh kung kinukompara ko ang dalawa mong anak. Mas mabait kasi itong si Bhella."sabi ni mang isko.
Nakita ni Bhella na nalungkot ang kanyang ama-amahan. Kaya agad siyang nagpaalam para umuwi na sa mansion.
Sa may malaking puno ng mangga nakita niya ang dalawa na naglalampungan. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Bhella. Nagustuhan ni Bhella si Ryan kahit pa ilang ulit siya nitong binu-bully. Pinagsasabihan ng masasamang salita at kung anu-ano pa.
Minsan minumura niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang katangahan. Bakit siya nagkagusto sa taong kinamumuhian naman siya ng husto.
"Beshy nakabalik kana pala, sorry hindi ka namin napapansin. Nasarapan kasi kami sa ginagawa namin. Huwag mo akong isumbonh kina mama at papa huh. Ito naman kasing si Ryan grabeh kung mang-akit eh nakakawala ng depensa."malading sabi ni Elsie.
"Ang sarap mong tirisin higad ka"anas ng isip ni Bhella.
Huwag kang mag-alala, wala akong nakita at wala akong narinig. Kung anuman ang ginagawa ninyo ipagpatuloy nyo lang."sabi ni Bhella at pinalakad na ang kabayo.
Dahil hindi tumingin si Bhella sa likuran ay labis itong ikinainis ni Ryan. Kumuha si Ryan ng isang patpat at buong lakas niyang hinampas ang likuran ng kabayong sinasakyan ni Bhella.
Sa gulat ay malakas itong nagtatakbo. Hindi napaghandaan ni Bhella ang nangyari. Kumapit siya sa kabayo ngunit wala na siya sa position para ibalanse ang kanyang katawan. Kahit anong sigaw niya hindi ito humihinto. Nahihirapan na si Bhella dahil sa bilis ng pagtakbo ng kabayo.
Hanggang sa humampas ang kanyang ulo sa isang puno ng niyog.