Bhella pov Heto na naman kami nagbabakasyon sa mansion namin dito sa Davao. For the first time kasama namin si buntis ang asawa ni Drake. Tuwang-tuwa pa ito ng makakita ng kagubatan, dating unggoy yata ang babaeng ito. Sakay sa jeep wrangler nag-iikot kami hacienda Miller. Si Drake ang aming driver, syempre hindi nito pababayaan ang asawa. Napaka maalaga ng aking best friend, palaging inaalala ang kalagayan ng kanyang asawa. Sa malaking banana plantation, sa manggahan, durian at rambutan. Marami pang mga prutas na malaya naming napipitas. Ang sabi ni Erica hindi daw siya kakain ng kanin o mga meats. Hanggat nasa hacienda siya prutas daw ang palagi niyang kakainin. When you don't want to eat rice, it's a big favor for us. Hindi na namin kailangang magsaing ng limang kilong bigas sa ara

