Third person pov Nataranta si Arabelle nang makita niyang naglalakad ang kanyang anak papunta sa kinauupuan niya. Tumagilid siya at itinakip ang buhok sa mukha. Nang makalagpas na si Bhella saka lang nakahinga ng maluwag si Arabelle. Nakita niyang papunta ito sa elevator. “Nakita mo yong babae? Yon oh naka horse rider suite, ang ganda niya. Ang haba naman ng buhok totoo kaya yan? Bagay na bagay sa kanya ang kulay coffee hair color para tuloy siyang Spanish tingnan.”sabi ng isang receptionist. “Baka may lahing Spanish nga talaga kaya ganyan ang hitsura. Matangkad din pasok maging model. Girlfriend kaya siya ni Sir Ryan? Naku kung yan ang girlfriend ni sir Ryan dyan ako boto. Naniniwala ka ba sa sinabi ni Elsie Salvador na girlfriend siya ni sir Ryan? Napaka assuming din ng babaeng yon e

