Third person pov “Ang galing ninyong mag-ina kanina, para tuloy kaming nanuod ng libreng concert.”si Clea. “Thank you so much Clea dahil isinaman mo ang mga bata pauwi dito sa PILIPINAS. Hindi ko talaga inaasahan na darating sila. Akala ko ako lang ang manggugulat. Na back to me kaagad ako dahil sinurpresa nila ako.”si Bhella. “But in fairness ha magaling ang Oppa mo Bhellapot,”si Lessery. “Laro tayo, battle of makata lines. Na miss ko ang bonding natin sa mga rhymes at poems,”si Afsheen. “Umpisahan na ang makatang talakayan, Dito sa ating bagong tambayan. Pwedi mong i-video para makita ng mamamayan, Baka magtrending at ikatuwa pa ng taong bayan. Mga kaibigan inyong tunghayan, Hindi ito layong bangayan. Pweding tulang mahaba na kasing tayog ng kawayan, Pwedi biruan pero hindi p

