Third person pov Napaluhod si Ryan nang makita ang video na may ka-intimacy siya sa isang silid. Alam niya sa sarili niya na hindi siya ang taong nasa video. Mas lalo pa siyang nagngingitngit nang malaman na umalis si Bhella at iniwan ang cellphone. Ang cellphone ni Bhella ay nilagyan na ni Axel ng tracker. Nang iwanan ito ni Bhella hindi na nila malalaman kung nasaan na ito ngayon. Agad siyang tumakbo para pumunta sa kulongan. Sinundan naman kaagad siya ni Benedict at Brent dahil natatakot din sila sa maaaring gawin ni Ryan sa kanyang sarili. "Calm down bro, huwag mong pairalin ang init ng iyong ulo."si Brent. Paanong hindi? Eh kung may masamang mangyari doon anong gagawin natin? Sa bilis ng kanyang pagmamaneho ng sasakyan kaagad nilang narating ang kulongan kung nasaan si Elsie at

