Bhella pov Mula sa bahay namin ni Brent kinuha namin ni Yette ang dalawang motor habang ang iba ay pumunta sa Emerald Emporium para kuhanin ang binili nilang motor. Yette, kinakabahan ako kasi unang beses kong makipagkarera ng motor. “Ate Bhella kaya mo yan magtiwala ka lang sa sarili mo. Once you try gugustuhin mong subokan ulit.”sabi ni Yette. Kung lakas ng loob lang naman ang puhonan marami ako nyan. I'm worried na baka mapagalitan ako ni Koreanong hilaw. Ano kaya ang magiging reaction niya kapag nakita niya akong magmamaneho ng motor? “Hahaha wala ng magagawa yon kundi ang hangaan ka. Minsan sa buhay natin kailangan dapat maranasan din natin ang mga bagay na imposibleng gawin but with caution syempre dahil may pamilya na tayo. Wow a dream bike, ang ganda naman nito ate Bhella.”sabi

