MAAGANG nagising si Donabella kinabukasan. Habang nagkakape ay binuksan niya ang telebisyon para manuod ng balita. Halos hindi siya nakatulog sa pag-iisip. Gulong-gulo na siya at sobrang hirap lutasin ng kasong ito. Kakaiba. Ngayon lamang siya nahirapan ng ganito at parang sasabog ang ulo niya dahil sa mabibigat na impormasyon na nakakalap niya. Bumuntong-hininga ang dalaga. Kalahati na niya ang kape nang biglang may flash news. Napakurap-kurap ang dalaga at umawang ang labi nang ipakita sa telebisyon ang isang gallery na may malaking pangalan sa harap na 'Dandelion'. Anong... ‘Mangiyak ngiyak ang may-ari ng Dandelion Gallery na si Gwen Darius. Nang bisitahin niya kasi ang gallery na pagmamay-ari niya kani-kanina lang ay tumambad sa kaniya ang nawawalang mga obra na aniya ay nagkakahala

