NAKAPANGALUMBABA si Donabella habang nakaupo sa stool at nakapatong ang siko sa counter. Nasa harapan niya si manang Edita na abala sa pagluluto. Hinayaan na kasi siya nitong manuod nalang pagkatapos niyang tumulong sa mga rekado. “Bella.” Napalingon si Donabella kay Erika na biglang naupo sa tabi niya. “Oh bakit?” Nangalumbaba rin ang babae. “Bakit parang galit sa'yo si miss Ariela?” Bumagsak ang mga balikat ni Donabella. Bumalik sa isip niya ang mga nangyari kanina at napaismid siya. Bakit nga ba galit sa kaniya ang babaeng 'yon? Dahil ramdam nito na may itinatago siya o insecure ito sa kaniya? Tsk! Umiling siya sa dalaga bilang sagot. “Ewan ko.” Nunkang sasabihin niya sa iba na pati ang Ariela na 'yon ay naghihinala sa pagkatao niya. Ilang saglit pa ay biglang pumasok sa kusina s

