Chapter 01
DONABELLA keeps on glancing at the three men eating breakfast, particularly at Redford Evans. Kahit ang pagsubo at pag nguya nito ay sobrang perpekto. He sipped his coffee with a freaking class and his eyes screams authority. Who the f**k created him? He's almost beyond perfection.
Bella couldn't help herself but to bit her lip and silently fantasize the pretty man.
Hindi nya akaling may gano'n kaganda at the same time ay kaguwapong nilalang. Pakiramdam nya'y magkakasala talaga sya sa boyfriend nya dahil sa lalaking 'to.
“Red, ipupublicize mo ba ang engagement nyo ni Ariela?” tanong ni Kysler Evans.
Naningkit ang mga mata ni Bella. This is her first info. Kapag sinuswerte ka nga naman. Pero teka, engagement? Tila nakaramdam ng disappointment si Bella at hindi nya gusto ang nararamdaman.
“She wants to publicize it.” simple at cold na sagot ni Redford Evans.
Pumalatak si Jayford. “Napapasunod ka nya? Diba ayaw mo sa mga babae?”
Tila may antenna ang tainga ni Bella. Kulang nalang ay humaba ang kanyang leeg dahil sa pasimpleng pakikinig sa usapan ng mga kalalakihan.
“You know the real score between us. Hindi nya ako napapasunod. I just need her company.” mapanganib na sagot ni Redford.
Napatayo ng tuwid si Bella. This pretty man is manipulative and a user. So, he's just using his pretty looks to catch a big fish. Wow! Second information. Mukhang madali nyang malalaman ang baho ng mga Evans.
“Ah! Nagugutom ako sa babae.” Jayford suddenly snorted.
Nagawi ang tingin nito kay Bella at talaga namang kinilabutan sya nang kindatan sya nito. Umayos sya ng tayo at nagtaas ng noo. The b***h guy is obviously hitting on her.
“Donabella, can you get me a juice. I want apple.” nakangising utos ni Jayford sa kanya.
Sinulyapan nya muna ang juice na nasa lamesa. Pineapple 'yon. She just mentally punch the b***h guy.
Tumango sya. “Sandali lang po, sir.”
Agad syang nagtimpla ng juice. Apple tulad ng gusto nito.
Nang maihatid nya sa harapan ng lalaki ang juice ay pasimpleng hinawakan nito ang baywang nya. She was about to hit the b***h guy's arm when Redford slammed his balled fist on the table.
Napatalon si Bella at yumuko. Damn! He's scary.
“Kuya, you're scaring her.” naiiling na saway ni Jayford sa kapatid.
Redford's forehead creased. Nilingon nya ang maligalig na kapatid. “If you want her, bed her, don't flirt with her infront of me. Disgusting!” galit itong naglakad paalis matapos 'yon.
Umawang ang labi ni Bella dahil sa gulat. She felt humiliated at hindi maganda ang dala n'yon sa damdamin nya. Harap-harapan sya nitong binastos at binugaw. Tila apoy na umatake sa kanya ang salita ng binata. Her heart is burning in anger.
Tumayo si Kysler. “Pasensya na, Donabella. Gano'n talaga si Redford e.”
Mahina lamang syang tumango.
Kung tutuosin ay wala dapat syang pakialam kahit pa lait-laitin sya nito. Misyon nya lang ito at hanggang do'n lang 'yon pero sa hindi malamang dahilan ay nadisappoint sya sa lalaki. He's more than an asshole.
“Sorry about that, Donabella but if you'll let me, i really want you.” bulong ni Jayford sa kanya saka sya kinindatan.
Matalim nyang tiningnan ang binata na bumaha ang gulat sa mga mata na kapagkuwan ay napalitan ng pagkamangha.
Napailing nalang sya saka bumalik sa pwesto nya kanina. Sa tabi ni Erika na busangot ang mukha.
Nangangati ang kamao nya at gusto nyang suntukin sa pagmumukha si Redford Evans. Gwapo lang ito pero walang modo at bastos ang bunganga.
Nakakainis!
“Mukhang type ka ni sir Jayford.” bulong sa kanya ni Erika.
Ngumiwi sya at sumagot pabalik. “Hindi ako interesado.”
“Talaga?”
Nagtatakang nilingon nya si Erika. The 20 years old girl's eyes are twinkling as if nakarinig ito ng kanais-nais na salita.
Napailing nalang sya. So she likes the b***h guy?
Matapos ang almusal ng tatlong lalaki ay sila naman ang nag-almusal. Kasabay nila ang dalawang gardener, drivers at chefs.
Gwapo rin ang isang driver samantalang mga middle age naman ang iba.
“Ilang taon ka na, Bella?” nakangiti at polite na tanong ni Gio, ang gwapong driver.
Humigop muna ng kape si Bella. “28 years old na 'ko.”
“Wala ka bang boyfriend?” si Erika naman 'yon na interesadong-interesado sa buhay nya.
Natawa sya. “May boyfriend ako.”
“Wow! Sana pagdating ko ng 28 may boyfriend na rin ako.” natatawang komento ni Erika.
“Pa'no ka magkakaboyfriend e ang sungit mo.” tumatawang pang-aasar ni Gio.
Sumimangot si Erika at tiningnan ng masama ang lalaki. “Sayo lang ako masungit kasi basag trip ka!”
Humalakhak lang sila dahil sa pikon na Erika. Parang mas bagay silang dalawa.
“Donabella.”
Napatayo sya at lumingon sa may pinto. Nakatayo doon si Jayford na may hawak na susi na pinaiikot nito sa mahahabang daliri.
Ano nanaman kayang kailangan ng b***h guy?
“Sir?” tanong nya. Pigil ang pagsabog ng inis.
“May bibilhin ako, samahan mo ko.”
Napatanga sya. Kasama ba sa trabaho nya ang pagiging alalay ng lalaki?
Alanganing nilingon nya si Erika. Nakayuko ito. Halatang hindi maganda ang mood at tila nabagsakan ng langit.
“Sir—”
“Babawasan ko ang salary mo 'pag hindi mo 'ko sinamahan.” nakangusong putol nito sa sinasabi nya.
Palihim na umingos si Donabella. Marami akong pera, unggoy!
Tumango nalang sya at bumuntong-hininga nang makaalis ang malanding Evans. Wala s'yang choice dahil baka makahalata ito na wala syang pakialam sa salary na pinangbablackmail nito.
“Bella, babaero 'yon si sir Jayford.” may pagbabantang paalala ni Gio sa dalaga.
That b***h guy won't succeed. Ever.
***
DONABELLA expected flirtitious words and gestures from Jayford kaya hindi na sya nagulat nang kindatan sya nito matapos pagbuksan ng pinto ng kotse. Sa passenger seat sya nito pinaupo. Pasipol sipol pa itong umikot at sumakay sa driver's seat.
Nagsimula itong magmaneho at talagang napakabagal ng takbo ng kotse.
Naiiling na hinayaan na lamang nya ito. Kinutkot nya ang tela ng suot na pantalon saka tumingin sa labas. Mukhang aabutin kami ng siyam siyam.
“Babe, may boyfriend ka ba?”
Agad niyang nilingon ang maharot na Evans. Pasulyap-sulyap ito sa kanya.
Babe, huh?
“Ano, meron?” inip na tanong pa nito.
Marahan syang tumango. “Mayroon po.”
“What?” umiling-iling ito saka ikinumpas sa hangin ang kamay. “Sayang! Type pa naman kita.”
Bumuntong-hininga nalang sya at hindi na sumagot. Maya-maya ay tumigil sila sa isang store. Bumaba ito at pinagbuksan sya ng pinto. Wala naman syang balak bumaba kaya hindi nya binuksan ang pinto pero mukhang namisinterpret ng malantod na Evans 'yon dahil nakangisi ito sa kanya.
“Ikaw, ha, hinihintay mong pagbuksan kita.”
Ngumiwi sya. Gustong-gusto nyang tarayan ang maharot na lalaki pero siguradong maghihinala ito lalo na't nakalagay sa address nya sa resume ay probinsyana sya. She can't act like a city b***h towards the b***h guy. Probinsyana's are polite and modest.
“Wala po kasi akong balak bumaba, sir.” hindi nya pa rin naiwasan ang disgusto sa kanyang boses.
Humalakhak ang lalaki at sa isang kisap mata lang ay may babaeng tumulak dito pasandal sa kotse saka sinibasib ng halik ang mga labi nito.
Umawang ang labi nya nang gumanti ng mapusok na halik ang maharot na Evans. Pinisil pa nito ang pwet ng babaeng umungol naman sa kalandian.
Napabuntong-hininga si Bella at inip na sumandal sa kotse, hinintay kung kailan maghihiwalay ng mga nguso ng dalawang maharot sa gilid nya.
“Whoa! That was hot, babe, who are you, by the way?” manghang sabi ni Jayford Evans.
Muntik nang bumunghalit ng sarkastikong tawa si Bella. He kissed her fervently but he doesn't know her? What a b***h guy he is!
“I'm just a roaring kitten passing by. Roar!” malanding sagot ng babae saka naglakad palayo.
Kailan pa nag roar ang kitten?
Napailing nalang si Bella at napasapo ng noo. Nilingon nya ang maharot na Evans. Kagat nito ang labi habang habol ng tingin ang pwet ng babae na kaonti nalang ay iisipin nyang pwet ng pato. Wagas makatuwad, neng?
“Hey, babe, let's go?” nakangising pag-aaya sa kanya ni Jayford.
Tinanguan nya lang ito at bahagya syang umatras nang akmang aakbayan sya nito. Humalakhak ito saka naglakad papasok ng store.
Sinundan nya lang ang binata. Dumiretso ito sa kuhaan ng cart at kumuha ng isa saka itinulak.
Palihim na napatango si Bella. Mamimili naman pala ng groceries.
Dumiretso ang lalaki sa section ng mga junk foods. Umawang ang labi nya nang magdadampot ito at pinaghahagis sa cart.
Lumingon ito sa kanya at kumindat. “May gusto ka?
Umiling lang sya.
“Sa'kin?” pagpapatuloy nito saka humalakhak at nagpatuloy sa pagtutulak ng cart.
She shook her head and was about to leave when she remembered the reason why she's here. Crap! She's a f*****g maid at hayon ang amo nya, nagtutulak ng cart habang sya at nakasunod lang ito. Feeling amo?
Shit!
Lakad-takbo nyang nilapitan si Jayford. “Uhm..ako na po magtutulak ng card.”
Lumingon ito sa kanya at ngumisi. “You sure?”
Tumango sya. Bumitaw naman ito sa cart at hinayaan syang pumalit sa pwesto nito. Nauna itong maglakad at sumusunod lang sya. Maya-maya ay nasa section na sila ng beverages. Kumuha ito ng ilang bote ng alak saka sya nilingon.
“May gusto ka bang bilhin? Libre ko. Wag kang mag-alala di ko iaawas sa salary mo.”
Umiling sya. “Wala po.”
Nagkibit balikat lang ito at naglakad palapit sa counter. Nang makalapit sya ay sinimulan nyang ilagay sa counter ang mga pinamili ni Jayford at tinulungan naman sya nito habang nagpapacute ang ang cashier.
Palihim syang natawa. Ang daming nahuhumaling sa babaero.
“Ser, ito lang po ba?” kiyemeng tanong ng cashier.
Ngumisi ng malaki ang malanding Evans. “3 boxes of condoms, please.”
Manghang nilingon nya ang lalaki. Kinindatan lang sya nito habang namumula ang mukha ng babaeng cashier.
“A-Anong flavor po?” muling tanong ng cashier.
Sumulyap ang maharot na Evans sa cashier saka sya tiningnan. “Anong flavor ba gusto mo, babe?”
Halos lumuwa ang mata ni Donabella. What the f**k?!
Ngali-ngali nyang suntukin ang mukha ng gago nang humalakhak ito at sinagot ang tanong ng cashier na ngayon ay parang nalugi.
Iiling-iling na lumayo si Bella sa malanding lalaki at nauna nang lumabas. Hinintay nya ito sa may exit para tulungang buhatin ang mga pinamili nito.
“Tulungan ko na po kayo, sir.” labas sa ilong na alok nya. Kung wala lang sya sa misyon, siguradong kanina nya pa tinadyakan ang lalaki.
Ngumisi si Jayford Evans. “I can manage, babe, pagbuksan mo nalang ako ng kotse.”
Hindi na sya nakipagtalo. Hinayaan nya ito sa gustong gawin. Nang makalapit sila sa kotse ay agad nyang binuksan ang pinto kasunod ng driver's seat.
Kinindatan sya ng malanding lalaki. “Thanks, babe.”
Hindi nalang nya pinansin ang lalaki. Nang makabalik sila sa bahay ay agad silang sinalubong ni Erika. Pasulyap-sulyap itp kay Jayford Evans na bitbit ang mga pinamili nito. Bitbit ang bag na puno ng junk foods ay sinundan nya ang malanding amo. Pumasok ito sa kusina. Ipinatong naman nya sa counter ang hawak saka hinayaan na ito sa gusto nitong gawin.
Balak nya sanang talikuran nalang ang lalaki at lumabas ng kusina nang maalala nya ang role nya sa bahay na ito.
Tiningnan nya ang lalaki. “Uhm...tulungan ko po ba kayo?”
Tumingin ito sa kanya. Ngumisi saka sya pinasadahan ng tingin. “Pwede naman pero mas prefer kong tulungan mo ako sa ibang bagay.”
Suminghap nya. Gusto nyang tuktukan ang lalaki o kaya ay sipain ito sa mukha pero pinigilan nya ang kanyang sarili. The nerve of this b***h guy!
Tumawa ito ng mahina. “I can manage, Donabella. Just go change to your maid's uniform. Gusto kong nakikita kang suot 'yon.”
Hindi nalang nya pinansin ang lalaki. Tumalikod sya at lumabas ng kusina. Bakas ang iritasyon sa kanyang mukha dahil hindi naman talaga ganoon kahaba ang pasensya nya. Pasalamat nalang ang lalaki dahil may misyon sya. Hmm. Ano kaya kung bago sya magresign dito ay suntukin nya ang lalaki? Pwede!
Nang makarating sya sa maid's quarter ay agad syang pumasok sa kwarto nya. Agad syang nagpalit at hindi napigilang pagmasdan ang kanyang suot. Hanggang hita lang ang palda ng uniform at talaga namang heaven ang dating n'yon sa manyak na tulad ni Jayford Evans. That b***h guy deserve a couple of punches.
TO BE CONTINUED...