AWKWARD ang pakiramdam ni Donabella kinabukasan. Hindi siya makatingin kay manang Edita kahit wala naman siyang ginawang masama, pero kahit misunderstanding ang nangyari kagabi ay hindi niya magawang makatingin sa matanda dahil iba pa rin ang iniisip nito. “Donabella, kanina ka pa tulala riyan.” puna sa kaniya ni Gio. Nandito siya sa garahe at nakaupo habang pinapanuod ang binata na mag washing ng kotse. Tapos na ang trabaho niya at ayaw niya munang tumambay sa loob, kaya si Gio ang inaabala niya. Nasa loob pa kasi ng mansion ang magpipinsan. Hindi pumasok sa opisina si Redford, samantalang naglalaro naman ng PS5 sina Ariela at Jayford. Si Kysler naman ay nagbibihis pa dahil papunta raw ito sa clinic. “May iniisip lang ako.” Tumango lang ang binata saka nagpatuloy sa ginagawa. Pumangal

