“YOUR WIDE GRIN is starting to get annoying. Can you please stop that?” pabuntong hiningang sabi ni James kay Dr. Silva. “Hindi ko mapigilan. Masaya lang ako para sa inyong dalawa. Seeing the two of you right now makes my job fulfilling. Ibang iba na kayo ngayon kaysa noong una ko kayo naging pasyente almost three years ago. Mas maningning na ang mga mata nito. Mas payapa ang facial expressions. Mas tunay ang ngiti na nakikita ko sa inyong mga labi. Gusto ko sanang sabihin na mami-miss ko kayong magkapatid pero ayoko rin kayong bumalik uli sa akin.” Tumawa si Martin na nakaupo sa katapat na silya ni James. “Magkikita pa naman tayo palagi Dr. Silva. Sa ospital na ito rin ako nagtatrabaho.” “Personally I don’t want to see you again,” komento naman ni James. “Dapat lang. Ayokong dumat
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


