"Hanson..."
Dagling tumila si Hanson at luminga sa likuran. Naniningkit ang kanyang mga mata nang tumanaw sa malayo, hinahagilap kung sino ang tumawag sa kanya. Pabaling-baling. Pinagtounan din niya ang mga taong nagkukumpulan na tumitingin sa mga painting, ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya.
Doon din sa gitna ng grupong iyon ay may napansin siyang kakaiba. Isang kakatwang pigura. Isang taong nakatindig sa gitna ng mga ito. All white ang kasoutan na tila bathrobe. Puti ang buhok at bungo?
The familiarity of that figure gives him chills. Nang magpulasan ang mga tao ay doon niya na lamang napagtanto kung sino ito. Ang nakamaskarang bungo mula sa kanyang panaginip.
Agad ibinalik ni Hanson ang paningin sa harapan at nakikita niyang abala ang apat na kaibigan sa pakikinig kay Janine habang si Mike naman ay tumitingin-tingin din. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa lugar kung saan niya namataan ang nakamaskarang bungo.
Tila kuryente kung gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan, kasabay ang pagdaloy ng malamig na pawis sa kanyang gulugod. Nais niyang kumaripas palayo ngunit hindi niya magawa pagkat napako na siya sa kanyang kinatatayuan.
Palingon-lingon siya sa paligid, kapansin-pansin na tila hindi nakikita ng lahat ng naroon ang nakamaskarang bungo, parang hangin lang na dinadaan-daan ito ng mga tao.
Pinilig-pilig ni Hanson ang kanyang ulo. ‘Hindi namamalik mata lang ako!’ Pikit mata niyang sambit sa isipan at pagkatapos ay dumilat, umaasang tama ang pakiwari. Ngunit hindi, naroroon pa rin ang nakamaskarang bungo at naglalakad patungo sa kanya. Hindi maalis-alis ni Hanson ang paningin dito, hanggang sa nagkalapit na sila't nagkaharap.
Nagpagmasdan ni Hanson nang maigi ang suot nitong maskara at nabatid na hindi ito gawa sa goma o tinapalan ng make-up kundi literal na totoong bungo iyon.
Napalagok siya ng laway, habol-habol ang malalim at mabagal na hininga. Iniisip kung anong gagawin nito sa kanya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makaharap ni Hanson ang nakamaskarang bungo pagkat madalas niya itong makita sa panaginip, subalit, hindi niya inakala na kahit sa reyalidad ay makakadaupang niya ito.
“Hindi… Hindi ka totoo. Hindi ka totoo!” He said, forcing himself to believe that this is just part of his hallucination. "Oras na..." sambit nito sa kanya. Tila kahalintulad ng mga kumakaluskos na patay na dahon ang boses nito. Isang nakakatakot na boses.
‘Oras? Para...saan?’ kunot-noong tanong ni Hanson sa sarili. Wala pa'ng isang segundo ang lumipas ay biglang nawala na parang usok ang nakamasakarang bungo sa kanyang harapan at sumulpot ang dalawang babae.
"Hoy, Hanson, tulala ka na naman!" Paanas na tawag sa kanya ng isang babae sabay yugyog sa magkabilang braso niya.
Dagling naulirat si Hanson, “Mara? Captain?!” tawag niya sa dalawa. ‘It's gone?’ Agad niyang iginala ang paningin sa lugar, naninigurado, ‘Sinusumpungan lang ako?’ usap niya sa sarili at napabuntong. Nakahinga siya ng maluwag nang mabatid na guni-guni lang ang lahat.
“Hay naku, ilang ulit ko ba'ng sasabihin sa 'yo na Sarah na lang ang itawag mo sa akin.” anya ni Sarah Kawakami, half Japanese at half Filipino. First senior high student at team captain ng Arnis team na kinabibilangan ni Hanson Guevarra. “Saka, tulalang-tulala ka nang makita mo siya 'a,” patuloy nito at itinuro ang kasamang si Mara Gardner, isa ring first senior high student at dating miyembro ng Archery team, “siguro may crush ka sa kanya ano'.”
Napangiwi si Hanson sa sinabi nito. Sa isip-isip niya'y siguro ay dahil sa malimit siyang mahuli nito na malayo ang tingin. Gusto niya sanang sagutin pero hindi na lang. Baka madulas ang dila niya't maikwento ang nangyari kanina, mag-aalala pa sila sa kalagayan niya.
Sa ngayon ay sasarilin niya lang ito, magpapasalamat na dumating sila dahil kung hindi ay tiyak na nangingisay na naman siya sa takot.
Umastang siga si Mara nang magcross-arm, "Hoy, 'wag ka ngang assuming dahil hindi kita type. Mas matanda ako sa 'yo ng uumh, mga 2 years?" Wika nito sa kanya, seryoso ang mukha ngunit tila may halong pagbibiro ang tuno ng pananalita.
Napamaang muli si Hanson, “Huh?”
‘Kung hindi niyo lang ako nakitang tulala baka hindi ganyan ang isasalubong ninyo sa akin.’
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Mara at ngumiti kay Hanson, “Hindi, biro lang 'yon.”
‘No, I don't think so.’
"Nandito rin pala sila?” anya ni Sarah, kunot ang noo't nakatingin sa direksyon ng iba pang kasama ni Hanson, “Talagang hindi kayo mapaghihiwalay ano, tsk tsk... parang dinaig niyo pa ang kambal-tuko sa sobrang closeness ninyo.”
"Bakit tayo din naman 'a." turan ni Mara at tinanaw din ang grupo, "By the way, who's that girl?" Tanong nito nang mapansin ang babaeng Medyo kulot ang buhok at nakatali. Luminga naman si Hanson sa tinutukoy nito. "Ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Your new classmate?" patuloy ni Mara.
“Ah, siya si Liliane Serrano, bagong transferee sa University.” Tugon ng binatilyo at muling humarap sa kausap, “She came from Montalban Laguna at kalilipat lang nila dito nitong nakaraang linggo.”
"A new member of gang huh? Parang habang tumatagal ay padagdag ng padagdag ang circle of friends natin 'a." Sabi pa ni Sarah habang nakatingin sa direksyon ni Liliane.
"Sort of... well, actually nakilala namin siya sa canteen. Wala na kaming mapwestuhan noon at nagkataon naman na nag-iisa siya sa mesa kaya nakisabay na lang kami sa kanya." Paliwanag ni Hanson.
"Oh I see." Sambit ni Sarah habang napahimas sa kanyang baba, “And what about the other guy, 'yong naka head band at may headphone?” tukoy muli nito sa isa pa'ng lalake. “One or three times ko lang siyang nakita. I think during our training.”
“Si Jacob Barbosa iyon, kababata ko.” sagot niya.
Napalinga si Hanson sa kinaroroonan ng kanyang mga kaibigan. Abala ang mga ito sa pakikinig kay Janine na talaga namang kinakarilyo ang pagpapaliwanag. Napansin din naman niya ang mga mata ni Liliane, patingin-tingin sa direksyon nila. Tila nangugusisa ang mga titig nito habang pinagmamasdan sina Sarah at Mara. Lumapit ito kay Jason at may ibinulong. Bumulong naman din si Jason dito.
Walang malay si Hanson sa kung ano ang pinag-uusapan nila, pero sa isip-isip niya'y malamang tungkol ito sa dalawa. Baka tinatanong nito si Jason kung sino ang dalawa. Muling bumaling si Hanson sa kausap.
"And how about us? 'In' ba kami dyan." Wika ni Mara.
"Bakit gusto ninyong mag-apply? Marami pa kaming bakante and I'm sure na matutuwa sila," Makahulugang biro ni Hanson sa dalawa.
Natawa naman si Sarah sa tudyo ng binatilyo, "That would be a good idea but apparently may kasama kami." Luminga ito sa likuran at itinuro ang isang batang babae, nakatayo sa tapat ng kwadradong salamin na naglalaman ng isang lumang larawan. May suot itong eyeglasses at hanggang batok ang haba ng buhok. Tahimik lang na pinagmamasadan ng batang iyon ang larawan habang nagsusulat sa hawak nitong maliit na kwaderno.
Sinulyapan ito ni Hanson at naningkit ang mga mata niya nang mapansin ang ekspresyon sa mukha nito. Wala siyang makitang kahit ano sa batang iyon anupa't napatanong na lamang siya sa kanyang sarili kung bakit. Nginisian ni Hanson ang kausap, "Well, that's fine. Sabi nga nila mas marami mas masaya, beside,” pumahalang ang labi niya as he looked towards the child again, “parang napapansin kong malungkot ang batang iyon."
"Sinabi mo pa. Sara, why don't we go with them, para naman may bago." sabi ni Mara. Sarah sigh at nagpasyang tanggapin ang paanyaya ng binatilyo.
Lubos namang ikinatuwa ni Hanson ang pagpayag nito. Ito ang unang pagkakataon na makakasama ang team captain sa kanilang pamamasyal. Ni minsan kase'y hindi sila nagkaroon ng tsansang lumabas ng magkakasama. Madalas, busy ang dalawang senior high. Si Sarah na abala sa gawaing pam-paaralan at sa mga trainings. Gayundin naman si Mara na wala ring inatupag kundi mag-aral. Magandang pagkakataon din ito upang maipakilala ni Hanson ng maayos ang kanyang mga kaibigan sa dalawang senior high.
"Trixie!" Tawag ni Sarah sa batang babae. Agad naman itong napalinga sa direksyon nila at lumapit. "Ito si Trixie Alconrad, anak siya ng kapit bahay namin. Bale isinama namin siya dito para maiba 'yong ambiance niya at malayo sa problema?" kwento ni Sarah.
Napakunot naman si Hanson sa pagtataka, "Problema? Anong problema?"
"Naku, mahabang kwento. Sa sobrang haba 'eh baka abutan pa tayo ng gabi."
"Ummh hello guys, kasama ba kami sa usapan ninyo?" anya ni Janine na bigla na lamang sumulpot, kasama sina Jason, Jacob at Liliane na nasa likuran nito.
Hindi namalayan ni Hans ang paglapit ng mga ito sa kanila, "Kanina pa ba kayo dyan?" Tanong niya.
Nagkugos-kamay si Jason, "Ay hindi ngayon lang, kanina pa namin kayong pinakikinggan." Sarkastikong saad nito.
"Chill ka lang Jas' baka may pumutok." Pilyong wika naman ni Jacob.
Binalinan naman ito ni Jason ng matalim na tingin, "Gusto mo ikaw paputukin ko ha."
Napasinghap na lamang si Hanson, siguradong aalingawngaw na naman ang ingay lalo na't kasama ang kambal at si Jacob. Malakas pa namang magbiro itong si Jacob, lagot kapag nasobrahan. ‘Sana naman hindi sila magkagulo mamaya.’ usap ni Hanson sa sarili.
"Ah-eh guys! Ito nga pala sina Sarah at Mara." wika ni Hanson “Captain Sarah, Mara,” baling niya sa dalawa, “Cap, this si Janine, Jason, Jacob and Liliane.”
Nakipag-kamayan naman ang dalawa sa mga ito. "Liliane, tama, 'yong bagong lipat?" Usisa ni Sarah at nagpatuloy, "Alam mo bang ikaw ang pinag-uusapan namin kanina."
"Ga-gan'on po ba?" Sagot ni Liliane. Namumula ang pisngi dahil sa hiyang nararamdaman, pero agad namang nawala iyon nang pukawin ang kanyang pansin sa batang nasa likod ni Sarah. Nakahawak ito sa damit at tila nagtatago. Marahil ay dahil sa mga bagong mukha na ngayon lang nasilayan.
Tila pansin ni Sarah ang tingin ni Liliane sa batang babae, "Nga pala guys, this is Trixie Alconrad."
"Hi." Bati nila dito. Nanatili namang nasa likod ni Sarah si Trixie, tila nahihiyang bumati nang ikumpas ang isang kamay nito.
Bigla namang pumalakpak si Janine, "Okey, since kumpleto na ang gang ituloy na natin ang tour."
Napataas ng kilay si Mara, "Tour?"
"Yes tour, at ako ang tour guide nila." tila may pagmamayabang na sabi ni Janine sa mala-arteng pananalita habang itinuturo ang sarili.
"Teka," wika ni Hanson nang mapansing may kulang, "Nasaan si Mike?" Kunot-noo niyang tanong.
"Oo nga ano." Sabi ni Janine.
"'Di ba nasa likod lang natin siya kanina?" Pananong ni Jason sabay tingin kay Jacob.
Umiling-iling naman si Jacob dito, "Aba, malay ko ba kung san' nagsu-susuot 'yon."
Gumala ang paningin nilang lahat sa paligid ngunit wala silang nakitang Mike.
"Mikeeeee!" Hiyaw ni Janine.
Bigla namang hiniwakan ni Jason ang braso ng kakambal, "Janine ano ka ba?! Wala tayo sa palengke para magsisi-sigaw ka dito."
"Eh' parang kabute naman iyon 'e, lulubog-lilitaw. Bigla-biglang mawawala tapos lilitaw kung kailang hindi mo na siya hinahanap.
Napapikit na lamang si Hanson at napasinghap. Pakiwari niya'y napahiya siya sa dalawa matapos ipakilala ang bagong kaibigan.
"Alam niyo, mabuti pa'ng hanapin na lang natin siya." Suhestyon ni Mara.
"Ah-eh oo tama ka. Mabuti pa nga." Tugon ni Hanson. Umaalik-ik ito na tila ba'y naasiwa, nagsisisi kung ba't ba niya inaya ang dalawa na sumama sa kanila, pakiwari niya tuloy inabala niya lang sila.
###
"Teka, nasaan na ba sila?" Tanong ni Mike sa kanyang sarili habang napapakamot sa ulo. "Lumingap lang ako sandali tapos bigla na lamang silang nawala. Siguradong masesermonan na naman ako nito ng dalawa."
Dagli siyang tumila't napaisip. Tila ba'y nakikita nito ang isang senaryo sa kanyang isipan. Isang tagpuan kung saang nai-imagine niyang namimilog ang mga mata ng kambal. Masama ang tingin ng mga ito sa kanya na para bang ang laki-laki ng nagawang kasalanan. "Hoy! Bakit ngayon ka lang hah?! At saan ka nanggaling?!" Sabay na sabi ng dalawa habang nakapamewang.
Bigla naman siyang niyakap nang pasakal sa leeg ni Jacob at nakatawang-asong nagwika, ‘Ikaw hah kanina ka pa naming hinahanap ah, siguro nan-chicks ka ano?’
Bumalin si Mike patungo kay Hanson na tahimik na nakatingin sa kanya. "Ah-eh Hans, patulong naman o" tawag niya sa binatilyo ngunit umiwas lang ito ng tingin at nagkibit-balikat.
Samantalang si Liliane naman ay nanonood lamang sa kanila habang tila naghuhugis pananong ang mukha dahil sa pagtataka. '?'
Dagling bumalik sa reyalidad si Mike, "Ehh... Mukhang wala yata magtatanggol sa akin laban sa mga kumag na iyon," nakangiwing bulong ni Mike, "Hayyy Bahala na nga lang." ani niya at kaswal na nagpatuloy sa paglalakad na para bang walang iniintinding problema.
Malaki at malawak ang 'Heritage House' kumpara sa bahay ng magkambal na kanyang pinuntahan noon. Mayroong dalawang palapag ang 'Heritage House' subalit sa laki at lawak nito ay tiyak na maliligaw ka. Dagdagan pa ng maraming silid at pasikot-sikot dito, tiyak na mahihirapan si Mike sa paghahanap sa kanyang mga kaibigan.
Sa paglilibot ng binatilyo ay kapansin-pansin ang pag-luwag ng paligid. Ka-kaunting gamit na lamang ang naka-display. mga lumang painting na kupas na ang mga kulay at mga antigong gamit na natutuklap na ang pintura. May mangilan-ngilan ring mga tao ang naroroon.
"Aba... it looks like the ones here are older rather than we saw before." Ani niya.
Sa pagtahak ni Mike sa pasilyong iyon ay isang malawak na balkonahe ang umagaw sa kanyang atensyon. Agad siyang tumila at lumapit sa balkonahe upang pagmasdan ang labas. His mouth went round as he saw the scenery he didn't expect to see, "Wow, the view here is even more better rather than the earlier."
Tila nasa ibabaw siya ng mundo. Puro bulubundukin ang kanyang nakikita, walang gusali o anuman, kung saan ang kaulapan ay humahalik sa maberdeng bundok.
Malawak ang ngiti ng binatilyo, subalit unti-unting napawi nang tila may bigat ang nanahan sa kanyang dibdib. Matamis ang ngiti subalit may bakas ng kalungkutan ang mga mata. “But all of this wouldn't happened if Sidis hadn't come.”
sa halip na pansinin ito ay minabuti niyang tumalikod at lumakad palayo sa balkonahe.
"Mabuti pa'ng hanapin ko na sila dahil kung hindi ay tiyak na sesermonan nila ako." Ika niya sa sarili.
###
Samantala, naisipan naman ni Hanson na maghati sa dalawang grupo upang mapabilis na hanapin si Mike. Nasa loob ng 'Heritage House' ang binatilyo kasama ang dalawang senior high at ng batang si Trixie habang nasa entrance naman ang magkambal kasama sina Liliane at Jacob.
"Nakakainis! Kung bakit sa ganitong pagkakataon pang nawala si Mike." Pagmamaktol ni Janine habang itinataas ang cellphone. Naghahagilap ng signal. Makailang ulit na rin niyang tinawagan si Mike subalit gan'on pa rin, "Buwisit! Walang signal! Pa'no natin makokontak si Mike?!"
Sinabihan naman ito ni Jason, "Janine, dalawa lang ang tower sa Sitio Pinagpala hindi gaya doon sa syudad. Isa pa nasa liblib na bundok ang 'Heritage House' kaya asahan mo ng mahina ang signal dito. At pwede ba'ng baba-babaan mo naman ang boses mo."
"Eh kase naman eeehhh.."
"Ano kaya kung pumasok na lang tayo para mabilis nating mahanap si Mike." Suhestiyon ni Liliane.
Luminga naman dito si Jason, "Si Hans na ang bahala doon, kasama naman niya 'yong dalawa. Saka kaya tayo bumukod sa kanila ay para kung sakaling magawi dito at makita natin si Mike." Paliwanag ng binatilyo.
Bigla namang tumayo si Jacob mula sa pagkaka-upo sa sementadong upuan, "Bahala nga kayo diyan."
"Hoy-hoy-hoy san ka pupunta?!" Panunuway ni Jason.
"Ano pa e di papasok. Nababagot na ako sa kahihintay dito sa labas kaya papasok na lang ako sa loob." Sagot nito at walang pakundangan na tinalikuran si Jason at hindi pinansin ang mga tinuran nito.
"Teka sandali sasama ako!" Sabi naman ni Janine na patakbong sumunod kay Jacob.
Sumunod naman si Liliane, "Ako rin!"
"Hoy! Teka iiwan ninyo ako dito!"
"Matanda ka na kaya mo na 'yan!" Nakangiting saad ni Janine na para bang inaasar si Jason.
"Okey fine, whatever! Ganyan naman kayo palagi 'eh mga nang iiwan!" Panghihimutok ni Jason. Busangot ang mukha.
###
Patuloy naman sa paglilibot si Hans kasama ang tatlo pa. "Mukhang mas luma na ang mga nandito." Puna ni Hanson.
"Napansin ko rin 'yon." Saad naman ng kasama niyang si Sarah.
Sapagbaybay nila sa pasilyo ay tila may napansin si Hans. Isang lumang painting. Sa 'di malamang dahilan ay agad na tumila si Hans upang pagmasdan ito. Nakalarawan dito ang malahiganteng puno. May karimliman ang paligid at napapaligirang ng mga alitaptap.
Namutla na lamang si Hans, tila ba'y nakakita ng multo, "Imposible..." Sabi niya, "Ang larawang ito-..."
Tila bumagal ang pintig ng kanyang puso. Namimigat ang kanyang katawan habang tila nanlalabo naman ang kanyang paningin, hanggang sa ito ay tuluyan ng nandilim.
At isang malakas na kalabog ang agad na umagaw sa atensyon ng ilang naroroon. Napalinga si Mara sa pinangyarihan at nakita niyang nakabulagta sa sahig ang binatilyo, "Hans!" sigaw niya at agad na lumapit.
"Hans, Hans!" anang ni Sarah na patakbong humahangos habang kapit sa kamay ang kasamang bata, “gumising ka!" wika nito, napaluhod sa tabi.
Samantala, may kamalayan pa ang diwa ni Hanson, subalit tila kulob sa pandinig niya ang mga tawag ng kanyang mga kasama. Pakurap-kurap ang mata anupa't pakurap-kurap din ang mga imaheng naaaninag niya, malabo at kung minsa'y nandidilim ang kanyang paningin kaya hindi niya matukoy kung sino-sino ang mga nakapaligid sa kanya.
May isa naman ang biglang lumapit sa kanya, "Hanson! Hanson, hey wake up!" Wika nito habang tinatapik-tapik ang kanyang pisngi.
"Bilis kailangan natin siyang ilabas!" Atas ng babae.
"Tu-tulongan ninyo siya!" Saad naman ng isa pang babae.
Sa huling sandali ay kumurap si Hansoon at nakita niya ang sahig. Dama niya ang pagsayad ng kanyang mga paa sa magaspang na sahig ngunit ilang sandali pa'y sumara ang kanyang mga mata. Sa mga sandaling iyon ay tila nakaririnig siya ng malalakas na mga hiyawan. Parang takot na takot ang dating ng mga boses na iyon at para bang hindi mapakali.
Dinig niya rin ang pagkalampag ng mga bagay sa paligid na tila mga platong nababasag. "Guys bilis! Bilisan ninyo!" Sigaw naman ng boses babae.
Kumurap siya muli at sa pangalawang pagkakataon ay nakikita niya ang dalawang pares ng mga paa na pabilis na pabilis maglakad. Sila ang nagdadala sa kanya, pero bakit kaya sila nagmamadali?
Hindi na alam ni Hanson kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid hanggang sa tuluyan na ngang nilamon ng kadiliman ang buo niyang kamalayan.