“Paano ka namin matutulungan ngayon? Knowing Samuel, alam ko tuso ang isa na ‘yun, kahit mahina mag-isip minsan.” Medyo natawa ako sa sinabi ni Mommy Lia, iba talaga ang ina. Kahit papano, kilala ang mga anak niya. “Gusto ko kunin din natin ang mga magulang ni Celine. Para naman patas ang lahat, gusto ko din malaman kung sino ang sinasandalan ng baliw na ‘yun, bakit ang lakas ng loob,” kuyom ang kamao na sabi ko. Tumango-tango ang mga matatanda at mukhang aprobado naman sa kanila ang aking plano. Matapos ang mahabang pag-uusap namin. Nagpahatid ako sa family driver ng mga Villania, pero sabi nila hiramin ko daw muna ang dalawa. Kaya hanggang sa bahay ko na namana sa aking mga magulang, kasama ko ang dalawang lalaki. Pagpasok ko sa bahay, tinitigan ko ang malaking paintings ng mukha

