Pagdating namin sa loob ng bar, kaagad akong naupo sa harapan ng bar tender. Pero si Stefani, mukhang may hinahanap ang kanyang mga mata. Palinga-linga ito na hindi pa nagsasalita, may naka served na kaagad na alak sa harapan nito. Malapit na mag-umaga at nakakaramdam na ako ng antok. Pero ang kasama ko, halatang palo. Alas dose na ng gabi at pipikit na ang aking mga mata. Pero ang aking traydor na kaibigan, mukhang kaya pa hanggang bukas na manatiling gising. “Bff, doon tayo sa table. Mauna ka na doon, ako na lang ang mag-oorder, wait mo ako.” Kaya't tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa mataas na bangko. Nag lakad ako patungo sa lamesa na tinuro ni Stefani at sinilip ko ang aking cellphone habang hinihintay ang aking kaibigan na dumating. Hindi naman nagtagal, pagbalik ng babae may h

