CHAPTER: 2

1035 Words
Dalawang araw na ako nandito sa malaking bahay. Hindi ko akalain na wala palang kasambahay dito. Sobrang laki ng kabuohan nito at talaga naman na kapag hindi mo kabisado, maliligaw ka. Dahil dalawang beses na nangyari sa akin. Hinanap ko kasi ang damit na suot ko ng dumating ako dito, para sana malabhan. Pero tinapon na pala ng lalaking masungit. “Where are you going, Jeraine?” Malalim ang boses na tanong ng engkanto na masungit. “Naghahanap ako Kuya ng pwede kong masuot, ubos na kasi ang lahat ng damit na mga pinahiram mo ng nakaraan.” Nakayuko at nahihiya na sabi ko. “Lahat ng gamit sa silid na tinutuluyan mo, gamitin muna. Kaysa itapon ko ang mga yan, pakinabangan mo na lang.” Sabi nito, sabay talikod. Nahihirapan na binaybay ko ang walk-in closet. Halos malula ako sa dami ng damit na parang tatlong kulay lang at halos pare-pareho ang mga disenyo. Matapos ko hilahin ang isa, napangiwi ako ng makita ang repleksyon ko sa salamin. Halos lumuwa na ang aking dibdib, ang ikli din ng bestida sa akin. Sa palagay ko, medyo maliit ang hinaharap ng preference ng bumili. Ang taas naman siguro ay baka mababa sa akin ng tatlo o apat na pulgada. “Je–” Hindi natapos ng lalaking engkanto ang kanyang sasabihin ng humarap ako. Kita ko ang adams apple nito na gumalaw. Indikasyon na ilang beses ito lumunok. “Bagay ba, Kuya? Same kasi kami ng size ng mga nandito na damit. Mga extra small, kaso medyo nagkatalo sa hinaharap.” Kagat-labi na sabi ko sa lalaki. Sabay hawak ko ng dalawa ko na dibdib at itinaas-taas ko pa. Dahilan para lumabas ng tuluyan ang isang dibdib ko. Nagkatinginan kami ng engkanto at paulit-ulit ito na lumunok. Halata na din ang pagpapawis ng noo nito. Kaya't muli ko inayos ang suot ko na damit. “Damn! Bilisan mo na d’yan! Para isahan na lang ang paghuhugas ko ng mga plato. Nasa lamesa na ang pagkain mo.” Malakas na sigaw ni Samuel sabay talikod sa akin. Ang tanging narinig ko na lang ay ang malakas na pag hakbang ng lalaki at malakas din na pagsara ng pinto. “Nakakainis naman kasi, bakit naman lumabas ka? Mukhang na trauma tuloy ang engkanto dahil sa nakita.” Kausap ko sa aking sarili, habang mas inaayos pa ang damit. Ngunit kalahati lang talaga ng dibdib ko ang sakop ng tela. Kapag hinila ko sa kabila, lalabas na naman ang kabila. At katulad kanina, sabay ko hinila, kaya't lumabas ang isa. Napangiti ako ng makita ko ang lamesa kung saan nakahain ang mga pagkain na niluto ng engkanto. Hindi ko pa malalaman ang pangalan nito, kung wala pang tumawag at nagpakilala sa kanyang kausap. __ Siraulo yata ang babaeng ‘yon. Nagulat ako ng lumabas ang isang dibdib nito at nakita ko ang kanyang kulay rosas na ut*ng. Hinaplos ko ang aking alaga na kanina pa naninigas. Hindi ko naman akalain na sexy pala si Jeraine at hamak na mas lamang talaga sa katawan at mukha kung pagtatabihin ni Celine. Kaya lang, mukhang inosente talaga ang babae at walang muwang sa mundo. Habang ang yumao ko na kasintahan ay palagi akong nakabaon. Maging sa loob ng aking opisina o kahit sa dressing room ng boutique ay may nangyari sa amin. Talaga naman na sagana ako sa dilig kay Celine. Kaya't ng nawala ang babae, labis labis akong nasaktan. Dahil sa nakasanayan ko na ito sa araw-araw. At aminado ako na hinahanap-hanap din siya ng aking katawan. Napalingon ako sa main gate ng may nakita akong apat na lalaking nakatayo. Ang isa ay sinisipat ang loob ng aking bakuran, habang ang tatlo ay nag-uusap at nagsesenyasan. Napangisi lang ako habang ang apat na kalalakihan ay naglabas na ng kanilang mga baril. Nandito ako sa loob ng aking playing room at pinanood sila mula sa mga CCTV cameras. “Group of idiots.” Mahina na bigkas ko sabay ngisi at pinindot ko ang kulay pula na button. Mamatay ako kakatawa ng makuryente ang isa at hawakan naman ng isa. Tatlo na sila na magkakahawak habang naginginig. Habang ang isa ay naghanap ng kahoy para maligtas ang kanyang mga kasamahan na tanga. Gamit ang advance technology ng Japan. Ako ang nag disenyo at personal na nag-asikaso sa paggawa ng bahay na ‘to. My dream house for my family. Tumayo na ako ng makita ko sa isang monitor na nag tatakbo na ang apat na kalalakihan palayo sa main gate. Paglabas ko ng aking silid, nadaanan ko si Jeraine. Nakaupo sa veranda. Para bang malalim ang iniisip nito. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko paalisin ang babae na may kaparehong pinagdadaanan ni Celine. Ang aking yumao na kasintahan ay ginahasa, kaya't hindi ako ang nauna sa kanya. Si Jeraine naman ay muntik na. Kaya't paano ko ito paalisin kung may banta sa kanyang buhay. “Damn!” Mura ko ng walang pag-iingat na nag kamot ng kanyang hita ang babae. Lumantad ang makinis at mahahaba nitong biyas. Hindi ko alam kung sinasadya nito na akitin ako. Pero sa kanyang mukha, kapag tinitigan ay mukha naman itong walang muwang sa mundo. “Kuya, nandyan ka pala!” Pagbati nito sa akin na paika-ika pa na humakbang papalapit sa akin. “Kuya Samuel, totoo ba na masarap ang s*x? Kasi, bakit may mga tao na handang mamatay at pumatay para lang sa ganun?” “For me, Yes.” Tipid na sagot ko. May tanong pa sana ito na patay malisya na lang ako, dahil nagsisimula na naman mag-init ang aking katawan sa babae. “Alam mo, hindi ko pa rin alam kung saan ba na butas lumalabas ang ihi ko. Minsan ko naman na kinapa, kaso nakikiliti ako. Ikaw ba alam mo?” Balewala na tanong nito na tinitigan ko ng masama. “Curious lang ako, hindi ko kasi talaga alam. Hindi naman ako nag tapos ng high school, katunayan ay hanggang second year lang ako. Maaga kasi ako naulila ‘e.” Napaka-random talaga ng babaeng ‘to. Kung ano lang ang iniisip niya, yun ang sasabihin. Walang specific na topics ang magiging usapan ninyo, kaya't hindi ka talaga mabo-bored.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD