JACOB (POV)
Nagulat ako ng pag baba ko ng aking sasakyan. May babae na nakatayo sa pintuan. Sa pagkakaalam ko, si Kuya Samuel lang mag-isa sa mansion niya.
Dahil medyo malayo, hindi ko makita ang itsura ng babae. Ang alam ko lang, maputi ito dahil stand out ang kulay nito kay Kuya.
Pero paglapit ko, I couldn't help but to notice how beautiful the woman in front of me is. Iba ang dating niya kung ikukumpara sa mga babae na nakasalamuha at nakita ko sa siyudad.
Pagdating namin sa loob, parang si Ate Celine ang nakikita ko sa katauhan nito. Ang paraan ng pagsasalita niya at pananamit. Pero ng kumilos na ito at makipagtitigan kay Kuya ng masama. She's brave! Walang sumasalungat kay Kuya, dahil iba ang topak nito.
“Bakit ganyan ka sa akin makatitig, Kuya Jacob?” Nakangiti na tanong ni Jeraine sa akin na inilingan ko lang.
Pero ang totoo, naakit ako sa ganda ng kanyang mukha at ngiti. Kung ibang tropa ko siguro or family member, sasabihin na “Iligo ko lang ‘to dahil init lang ‘to ng katawan.”
“Kuya, kumakain ka ba ng stream na isda at kangkong?” Tanong pa nito na tinanguan ko naman kaagad.
“Yeah! Lahat ko kinakain, si Kuya lang ang maselan sa foods.” Sagot ko sa babae na ngumingisi.
“Hindi na ngayon, kumakain na rin s’ya.” Tila proud na sagot nito.
Nagulat ako at napakunot ang aking noo. Totoo kaya? Sa pagkakatanda ko, sabi noon ni Kuya wala siyang plano mag adjust sa lahat.
“May boyfriend ka ba, Jeraine?” Out of the blue na tanong ko dito.
“Wala po. Wala rin po akong naging kasintahan.” Magalang na sagot nito sa akin.
Hindi ko maiwasan na mapangiti. Ang mga babae kasi sa panahon ngayon, hindi ka na mag e-expect na mga puro pa sila.
“Bakit?” Tanong ko dito habang nag gigisa na ito ng bawang sa butter.
“Ewan ko po. Mga nagkakagusto kasi sa akin, mga gwapo naman. Kaso, hindi mabango. Tsaka, ang bahay ko ay sa kabilang bukid, malapit sa boundary ng lupa ninyo at sa kakahuyan. Sino naman ang manliligaw sa akin na dadayo pa doon?”
Napatango ako, may point naman siya. Nasasayangan lang ako dahil maganda siya at mukha naman matinong babae.
“Tara na po! Luto na ang ulam.”
Tinulungan ko na ito maghain ng pagkain sa lamesa. Habang si Kuya, nakatitig lang sa babae. Napapangiti na lang ako, dahil totoo nga na kumakain na si Kuya ng gulay ngayon.
Maging steamed fish ay hindi ito kumakain noon. Parang hilaw daw kasi, same with tinolang manok.
“Masarap ba, Kuya?” Nakangisi na tanong ko sa aking kapatid na tumango.
“Noong mga bata pa tayo, nagpapaluan pa kayo ni Mommy para kumain ka ng gulay. Ngayon, kailan lang pala may maligaw dito na chicks, para matuto ka kumain ng gulay na hate na hate mo.” Pang-aasar ko sa aking kapatid na tinitigan ako ng masama.
Magana kami kumain at masasabi ko na masarap magluto ang babae ni Kuya, kahit simple lang. Ito minsan ang masarap sa probinsya, simpleng pagkain at pamumuhay pero masarap.
Pagkatapos namin kumain, nakita ko na nag timpla ng kape si Jeraine at inabot kay Kuya. Napangiti ako dahil parang mag-asawa na ang dalawa. Sana siya na ang susi para bumalik an sa amin si Kuya.
“Bakit hindi ka namamansin, kanina ka pa ganyan sa akin ah?”
Nakasandal ako sa pader at napangisi. Hinihintay ko ang sagot ni Kuya.
“Dapat ba pansinin kita, maya’t-maya?” Pabalang na sagot ni Kuya.
“Ewan ko sayo, Kuya engkanto! Total may kasama ka na dito, uuwi na ako.” Nagdadabog na sabi ng babae.
Akmang tatayo na si Jeraine ng abutin ni Kuya Samuel ang kamay nito.
“May sasabihin ka?” Tanong ng babae kay Kuya na ibinuka na ang bibig, pero lumipas ang ilang minuto, wala naman lumabas na salita sa bibig nito.
Hanggang sa umalis na si Jeraine at pumasok sa silid nito, wala pa rin imik si Kuya at napahaplos pa ito ng kanyang buhok.
“What holding you back, Kuya? Matagal ng wala si Ate Celine. Mag move-on ka na.” Sabi ko sa aking kapatid na tinabihan ko pa sa kanyang pagkakaupo.
“Madali para sayo na sabihin ang lahat. Hindi naman ikaw ang nawalan.” Si Kuya Samuel.
“Pero nawala ka sa amin na pamilya mo, magmula ng mamatay si Ate Celine at ang anak ninyo.” Sagot ko kay Kuya na yumuko lang at pinag-saklop ang kanyang dalawang kamay.
“Si Celine ang naging mundo ko sa loob ng apat na taon. Nakasanayan ko na siya at nahihirapan ako hanggang ngayon na tanggapin ang lahat.” Sabi pa ni Kuya.
“Ang dalawang taon ay sapat na Kuya, hindi na lang kami ang sinasaktan mo dito. Pati na rin ang sarili mo sinasaktan muna. Hindi mo kasalanan na hindi mo siya nasundo ng araw na yun. Bakit, kung kasama ka ba, sa palagay mo maliligtas mo sila? Baka nga pati ikaw kinain na rin ng apoy ng sumabog ang sasakyan na ‘yun ‘e.”
“Mabuti pa nga!” Sagot nito na inilingan ko. Tumayo ako at iniwan na mag-isa ang aking kapatid. Walang silbi na makipag-usap sa taong sarado ang utak.
“Oh! Bakit gising ka pa?” Tanong ko kay Jerain na tinabihan ako sa aking pagkakatayo sa veranda.
“Hindi ako makatulog, Kuya, pababa ako kanina at hindi ko sinasadya na marinig ang usapan ninyo ni Kuya Samuel. Pasensya na.” Sabi ng babae sa akin.
Ngumiti ako dito at tumango-tango lang. Kung hindi siya kayang panindigan ni Kuya, liligawan ko si Jeraine sa ayaw at sa gusto n’ya.
“Liligawan kita, wag mo muna ako sagutin ng hindi. Kilalanin mo muna ako.” Sabi ko sa babae na tumawa ng malakas.
“Ang layo mo po talaga Kuya Jacob kay Kuya Engkanto. Hahaha! Ang galing mo po magpatawa kahit sa seryoso na sitwasyon.”
“Seryoso din ako, hindi ako nagpapatawa lang.” Nakatitig ako sa mata nito habang nagsasalita.
“Kuya Jacob!” Malakas na sigaw ni Jeraine ng magaan na halikan ko ang labi nito.
Naakit kasi ako sa mapula at pintog nito na labi, tapos nakanguso pa, na ang cute niya tingnan.
“Ang ganda mo kasi.” Nakangiti na sagot ko dito.
Pero nagulat ako ng hampasin ako nito ng hampasin ng kanyang kamay. Hanggang sa tumakbo na ako pabalik sa sala.
Sakto naman na lumabas ni Kuya Samuel, kaya't nagtago ako sa likod nito.
“Ano ba kayong dalawa?! Magtigil nga kayo! Nakakahilo.” Sigaw nito.
“Hawakan mo Kuya Engkanto si Kuya Jacob, bilis!” Utos ni Jeraine na nagtataka man ang tingin ni Kuya ay sinunod niya din ang babae na hindi man lang nagtatanong.
“Aray! Sorry na kasi, baby girl.” Sigaw ko ng kagatin nito ang nguso ko at malasahan ko ang dugo.
“First kiss ko ang ninakaw mo! Dapat lang yan sayo. Pasalamat ka walang sili na labuyo sa ref! Kundi, sisilihan ko nguso mo. Huhuhu!
Paano kapag nabuntis mo ako? Sabi ni Tatay, wag daw ako papahalik, kasi nakakabuntis ‘yun.”
Nagkatinginan kami ni Kuya Samuel dahil sa sinabi nito. Umiiyak pa ang babae at mukhang wala talaga itong muwang.
“Baby girl, nagsesex ang babae at lalaki, kaya nabubuntis. Hindi dahil sa halik lang.” Paliwanag ko sa babae na tumigil naman sa pag-iyak at mukhang nag-iisip.
“Anong gamit Kuya?” Tanong ng babae. Napakamot ako na nginuso ang bukol ko at ang bagay sa pagitan ng dalawang hita ng babae.
Natawa ako ng tumayo ito at nag sign of the cross. Lumunok ng kanyang laway bago magsalita.
“Patingin Kuya, kung kasya. Ang liit lang kasi ng ihi ko ‘e. Hindi ko pa nga alam saan ba lumalabas ‘e.” Seryoso na sabi ni Jeraine.
“Oh! Bunso, ipakita muna.” Sabi pa ni Kuya Samuel na tumatawa.
“A—Ayaw ko nga!” Kay Kuya Samuel ka tumingin.” Sabi ko sabay takip ng aking palad sa aking alaga. Hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla ay tinamaan ako ng hiya ngayon.
“Hay nako! Ang dadamot naman. Kapag may nakita ako na ibang lalaki, magtatanong na lang ako.” Sabi ni Jeraine na iniwan kami at mabilis umakyat sa taas.