“You're still worried, I've already passed the documents to my friend. Expect the results within a week. Don't overthink, it's bad for your health," sabi ni Samuel sa akin, kaya't tumango lang ako at niyakap ito. “Anong klase kaya ang pamilya na pinagmulan ko? Natatakot ako, Samuel. Siguro kapag magulo ang kanilang pamilya, hindi na ako magpapakilala,” sabi ko sa aking asawa na tumango at hinalikan ako sa noo. “Kung ano ang magiging desisyon mo, yun ang susundin ko.” Nagpapasalamat ako na matured at maunawain ang aking naging asawa. Sa mga ganitong pagkakataon, maasahan talaga ito. Dahil sa dami ng nangyari ngayong araw, sobrang nanlalambot ako. Nagpasya kami na kumain lang ng gabihan at matulog, para makapagpahinga. Kinabukasan, naghanda na kami para bumyahe pabalik sa siyudad.

