Faye's POV Malapad akong napangiti matapos makapasok sa tutuluyan namin ni Maxire. May maliit itong kusina, may salas, isang cr at isang kwarto na mayroong iisang kama. "Maxire, magsimula tayo" sabi ko kay Maxire na nakahilata na sa kama na tila puyat na puyat. "Mamaya na tayo mag-usap Faye. Inaantok ako" walang gana siyang dumapa at sinubsob ang mukha sa unan. "Pero Maxire, gusto kong malaman kung anong naiisip mo ngayon? Ok lang ba na ganito na tayo?" tanong ko matapos umupo katabi niya. "Pag umayaw ba ako, may magbabago?" seryoso siyang tumingin sa akin. "Hindi pa ako handa sa ganito pero hindi ko sinasabing ayoko nito" "I love you" nakangiti kong wika. "Come here" marahan niya akong hinila pahiga sa tabi niya. Siniksik niya ang ulo ko sa dibdib niya. "Mahal kita. Ngayon, matutul

