“SAHARA.” Isang hakbang na lamang ay nasa labas na siya ng condominium nang marinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan. Papunta na siya noon sa The Lounge para kumanta. Lumingun-lingon siya pero wala siyang nakitang tao sa paligid, maliban na lamang sa security guard na nakatayo sa di kalayuan. “Sahara.” Naka-itim na T-shirt, itim na baseball cap, faded jeans, rubbershoes. Nakasuot rin ito ng sunglasses kahit pa gabing-gabi na. Pero kahit madilim ay aninag niya kung sino iyon. Hinding-hindi siya maaaring magkamali dahil hinding-hindi niya kailanman malilimutan ang pagmumukhang iyon. “Max?” “Akala ko nakalimutan mo na ‘ko.” Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at bigla siyang hinalikan sa pisngi. “Kumusta na ang baby ko? Ang tagal nating hindi nagkita, ah.” Pilit na tinanggal ni Sa

