PARANG binibiyak ang ulo ni Baste sa sobrang sakit paggising niya nang umagang iyon. Sa simula ay hindi niya maintindihan kung bakit parang pagod na pagod siya at hindi maalala kung ano nga ba ang nangyari. Nang ilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Naroon siya sa kanyang kuwarto, pero parang may mali. Wala siyang saplot sa katawan, kahit panloob ay wala. Ang huli niyang naalala ay tinawagan siya ni Karen dahil hihingi raw ito ng payo tungkol sa problema nito kay Sahara. Ito pa nga mismo ang pumunta sa apartment niya na may dalang red wine at isang kahon ng pizza. Sa simula ay hindi maunawaan ni Baste kung bakit bigla na lang nagka-interes sa kanya si Karen, samantalang wala siyang natatandaang pagkakataon na kinausap siya nito noon. Mabibilang lamang sa daliri kung ilang beses n

