CHAPTER 21 ALMIRA Simula nang matuto akong sumagot-sagot kay Samuel, hindi niya na ako gaanong kinakausap . Ilang araw na rin ang mga lumipas na bihira na lang kami nagkikita. Minsan kasi kapag umuuwi siya ay hating gabi na at tulog na ako. Minsan naman ang аga-aga niya umaalis. Tinuturuan ko na rin ang puso ko na masanay at mawala ang pag-ibig ko sa kaniya . Isang araw pinuntahan ako ni Manang Merlinda, upang yayain ako na mangunguha ng mga kalakal sa loob ng subdivision. Dalawa lang naman kami ni Manang Lelia ang naiwan sa bahay dahil maaga pang umalis si Ashley at Samuel. “Manang, sasama lang ako kay Manang Merlinda, ha?" paalam ko kay Manang Lelia. Naghihintay si Manang Merlinda sa labas ng gate. "Sige, basta mag-iingat ka, ha? Umuwi ka bago magtanghalian," bilin ni Manang sa

