Episode 29

2196 Words

CHAPTER 29 ALMIRA Kinain ko ang dalang pagkain ni Samuel. Pagkatapos kong kumain ay dinala ko na ito sa Ibaba. Sa kusina na ako tumuloy. Sakto naman na abala si Manang sa paghuhugas ng mga hugasan. “Kumusta ang pakiramdam mo, Iha? Dapat hinintay mo na lang ako sa itaas,” wika pa ni Manang Lelia sa akin. “Okay, lang po ako, Manang. Isa pa nababagot din ako sa kwarto. Totoo po ba na dinala ni Samuel ang mga damit ko sa bahay niya?” malungkot kong tanong kay Manang Lelia. “Oo, iha. Naroon nakalagay sa kabilang silid ng bahay ni Sir Samuel. Dapat kasi hindi ka muna umalis kanina. Alam mo naman na gusto ka lang asarin ni Sir Samuel,” wika naman ni Manang sa akin. “Sabi niya kasi pinakuha niya sa mambabasura. Ako na po ang maghuhugas ng kinainan ko, Manang.” “Ako na ang bahala rito, iha.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD