Chapter 50 ALMIRA Sasama sana ako sa puwesto ni Yaya sa palingke dahil nagbibinta siya ng mga prutas sa palingke, kaso ano oras na ako nagising. Ang sarap-sarap kasi matulog, lalo na at medyo maulan ang panahon. Isang linggo na ako mahigit dito kina Yaya. Nahihiya na nga ako dahil siya ang ngapapakain sa akin. Binibigyan ko naman siya ng pera para sa pagkain namin, pero ayaw niya naman tanggapin. Gusto ko rin sana pumasok bilang tindira sa palingke dahil may nakita ako roon na naghahanap ng tindera, ayaw naman akong payagan ni Yaya, baka raw mapagod ako at mapaano pa ang anak pinagbubuntis ko. Tumutulong na lang ako sa kaniya sa paglilinis dito sa bahay at pagsasaing. Minsan bumibili lang kami ng ulam, o hindi kaya kapag hindi siya pupunta sa palingke ay magluluto lang siya. Kasalukuyan

