CHAPTER 47 ALMIRA Lumipas ang isang Linggo nasanay na ako sa routine ko dito sa bahay ni Samuel. Sa umaga pinaglulutuan ko siya, ngunit isang beses lang siyang kumain. Katulad ngayong araw. Kahit masakit ang paa ko pinlit ko pa.rin gumising ng maaga para ipagluto suya. Iyon nga lang pritong hot dog lang ang almusal. Hindi naman kasi ako maranong magluto ng karne. "Hindi mo man lang ba kakainin ang inihanda ko sa'yong almusal?" tanong ko sa kaniya ng akmang Ialabas na siya ng bahay. "Wala akong gana kumain. Magkape na lang ako sa canteen. Ito ang dalawang libo ibili mo ng tanghalian at hapunan mo, baka late na ako umuwi." Kinuha ko sa kamay niya ang dalawang libo. Tumalikod na siya at hindi na lumingon pa. Sa Isang linggo na pagbibigay ni Samuel sa akin ng pera ay nakapag tatabiako.

