Chapter 34 ALMIRA “Kuya, ano ang ginagawa mo rito?” sabay pa na tanong ni Nemuel at Ashley, kay Samuel. “Saan kayo galing?” balik tanong ni Samuel sa dalawa, ngunit sa akin siya nakatingin. "Sa kubo, Kuya. Kumain ng mani,” sagot naman ni Ashley sa tanong ni Samuel. Kinibutan ko lang ng labi si Samuel, at pumasok ako sa loob ng mansion na parang hindi nakita si Samuel. Bakit kaya sumunod siya rito? Hindi ko na naman ma-enjoy ang bakasyon ko rito dahil sumunod pa ang matandang Undin na ‘to. Bago siyang gupit. Lalong naging bata siya tingnan sa gupit niya. Dagdagan pa ang pag-ahit ng balbas niya na siyang lalong nagpa-gwapo sa kaniya. paninindigan ko talaga ang sinabi ko na hindi ako dapat maging mahina o maging marupok sa kaniya. “Almira, parang hindi mo ako nakita, ah! Akala mo b

