Chapter 39 Almira Hindi ko akalain na aawayin ni Samuel si Dominic. Parang gusto ko na tuloy isipin na nagseselos siya kay Dominic. Mabuti na lang at nariyan si Nemuel na tagaawat sa Kuya niya. Nakasimangot ako na nakarating sa talon. Tudo gwardya ang Undin na hindi ako malapitan ni Dominic. Pagdating namin sa talon ay hindi naman namin nakit roon si Ashely. “Nasaan si Ashley?’’ tanong naman ni Nemuel sa amin ni Dominic. “Ang sabi niya mauna na siya rito. Kaya nga hinintay ka namin ni Miray sa manggahan,’’ sagot naman ni Dominic sa tanong ni Nemuel. Ang linaw ng tubig at nakakaingganyo maligo. Gusto ko na lumusong sa tubig dahil napakalinaw. “Dahan-dahan, Almira. Baka mamaya madapa ka. Hindi ka dapat pumupunta sa mga ganitong lugar, lalo na at buntis ka,’’ medyo masungit na sabi ni Sa

