ISABELLA POV Nang tinutukan kami ng mga baril ng mga taong dumukot sa amin, walang pag-aatubili ang aking kambal na si Oliver at ako. Agad kaming sumugod sa mga kalaban, puno ng determinasyon at galit sa aming mga puso. Isang kasabay na sipa ang aming ibinato sa isa sa kanila, diretso sa kanyang sensitive na bahagi. Napakapit sa sakit ang kalaban, napahagulgol sa tindi ng hagupit ng aming pagsalakay. Hindi namin pinakakawalan ang pagkakataon na ito, nagtulungan kaming magkapatid upang muling sumalakay at labanan ang aming mga kalaban. Sa bawat galaw namin, ramdam naming ang pagpapalakas ng aming pagkakaisa at determinasyon. Nang muling magtagpo ang aming mga kamay, nagpalitan kami ng ngiting puno ng tagumpay at kasiyahan. Ang aming high five ay hindi lamang isang simpleng pagpapahayag

