Hindi pa man lumalabas si haring araw ay gising na gising na ang diwa ni Aliyah, ni hindi nga sya nakatulog habang ang katabi nya naman ay kahit ata may sunog ay hindi ito magigising sa kahimbingan ng tulog nito.
Maingat syang bumangon at pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig ng kanyang kwarto. Tinupi nya ito at itinabi sa kanyang side table. Pagkatapos ay naligo naman sya at nagbihis upang makaalis na. Maaga ang flight na kinuha nya at ayaw naman nyang magpaalam ng personal sa kaibigan. Saan pa? Wala na syang mukhang maihaharap kay Jake matapos nya ginawa ang bagay na yun.
Kahit pa sumasakit ang ulo nya dala ng kalasingan nya kagabi ay wala syang pakialam. Maingat syang lumabas sa kwarto nya. Hindi pa man sya tuluyang nakalabas ay lumingon sya sa kaibigang natutulog na walang saplot sa kanyang kama. Para itong anghel kapag natutulog though nakakunot ang noo nito. Hindi nya mawari kung ano ang napanaginipan nito.
Tuluyan na nyang nilisan ang lugar at pumuntang airport. Sakto naman pagkadating nya ay 30 minutes nalang bago ang kanyang flight.
Sa kabilang banda naman sa condo ni Aliyah ay nagising si Jake na kinakapa ang space ka kanyang tabi. Nagtataka naman sya sapagkat wala nang Lee sa kanyang tabi. Natagpuan nya ang kanyang dapit na malinis na nakatupi sa ibabaw nito ay may isang sulat.
Dali dali naman nya itong kinuha at binasa. Halo-halo ang kanyang nararamdaman. Sakit, panghihinayang at pag aalala.
Jace, kung nababasa mo to for sure nakalipad na ako. Oh diba may pakpak ata ako para makalipad no? Haha just kidding bespren. Ito na seryoso na. Sorry Jake kung di man lang ako nakapagpaalam ng personal sayo. Tulog mantika ka kasi at saka wala akong mukhang maihaharap sayo. Nahihiya ako sa ginawa ko. Uuwi na ako sa California. I don't know kung babalik pa ba ako dito. Wala naman na kasi akong babalikan dito. Nasira ko ang pagkakaibigan natin. Though wala naman akong pinagsisisihan na ikaw ang nakauna sa'kin. Sana maging masaya ka bespren. I love you Jake, Always.
Your bestfriend na maganda,
Aliyah
Hindi alam ni Jake kung matatawa ba sya o magagalit sa kaibigan. At talagang nakuha pa nito na magbiro sa kabila ng kadramahan nito. Napaiking nalang sya at nagbihis na.
Magmula ata ng araw na yun ay sa condo na sya ng kaibigan nya umuuwi pagkadating galing sa club na pag aari nya. Hindi nya alam kung bakit. Siguro dahil ito ang nagpapaalala na may nakilala at nagkaroon sya ng isang matalik na kaibigan.
Tatlong buwan na ang nakalipas simula noong umalis ang dalaga pero mukha atang ilang taon na itong wala para kay Jake. Miss na miss na nya ang kaibigan nya kahit na masyado yung mabunganga. Ni hindi man lang nya naipagtapat kung ano ang naramdaman nya para sa dalaga. Huli na nang mapagtanto nyang mahal na pala nya ang kaibigan.
Nasa isang VIP room sya sa mismong club nya at naglalasing. Gusto nyang puntahan ito pero saan nya ito hahanapin? Ni ayaw naman magsalita ang ninong at ninang ng dalaga na para bang may tinatago itong hindi nya dapat malaman. Pinuntahan nya ito mismong bahay ng parents nya sa California pero wala ito doon.
Busy sya kakaisip kung saan magsimulang maghanap nang may biglang pumasok sa kanyang kinaroroonan.
"Jake, man anyare sayo? Almost two months ka nang ganyan."
Hindi sya umimik sa sinabi ng kaibigan nyang si Tyron. Umupo naman si Tyron sa tapat nya.
"Ewan ko ba kung bakit ako nagkaroon ng kaibigan na kagaya nyong dalawa ni Rage." Napailing iling pa ito.
"Dahil lang ba sa bestfriend mo?" Si Tyron lang ang nagsasalita at sya naman ay parang pipi lang na nakatunganga sa kawalan.
"Why don't you hire a private investigator. At nang hindi ka nagmumukmok dito. Kung hindi kita kilalang talaga iisipin kong may gusto ka kay Lee."
Napaangat naman si Jake sa narinig mula kay Tyron. He considered his suggestion. Bakit nga ba hindi nya agad naisip yun.
"Thanks bro." Pagpapasalamat nya sa kaibigan bago umalis. Hindi nya kayang ipagpabukas pa kaya kahit medyo nakainom ay pinuntahan nya ang opisina ng pinagkakatiwalaan nyang investigator.
"Anong masamang hangin ag napadpad ka dito kaibigan?" Natatawang saad ni Renzo. Kaibigan nya ito at kapartner sa ipapatayo nilang club.
"I need you to find someone." Walang pakundangan nyang saad. Para saan pang yun naman talaga ang ipinunta nya dito.
"For sure babae yan. Tayong magbabarkada ay parang unti-unti nang nanahimik isa-isa. Una si Rage tapos ikaw? Sino naman kaya ang susunod nito?" Tatawa tawa pa rin ang kaibigan nya pero wala syang pakialam desperado na sya. Kailangan nyang makita ang dalaga.
"Just find her. I don't know what to do without her."
"Name?"
"Aliyah, Aliyah Jones."
"Okay give a week or two. For now ay maligo ka muna, ang baho mo na pare."
"Gago kahit isang buwan akong di maligo mabango parin ako."
Gumaan naman ang kanyang pakiramdam sa pagbibiro ng kaibigan pero hindi pa rin mawala ang pag aalala nya. Di nya alam kung bakit ganun ang nararamdaman nya.
"About the payment, I will just send it to your bank account."
"No need pare wedding gift ko nqlang sa inyo. What are friends for right and also mas mahal kita kaysa kay Rage."
"Kapag yan narinig ni Rage at nalaman nyang libre to lagot ka." Napangiti sya.
"Aba e humingi nga sya ng 50% na discount akala mo hindi milyonaryo kung umasta."
Napailing nalang sya at nagpaalam na sa kaibigan. Kailangan nya pang bisitahin ang ibang branch ng kanyang bar.