Napatingin ako kay Marianne nang magsalita ito. "He's back," she said almost whispering. Tila ayaw nitong iparinig sa akin ang sinasabi niya. "The who?" Tanong ko habang nakakunot ang aking noo at tumingin dito pero saglit lang. Ibinalik ko din ang tingin ko sa ginagawa ko at hinihintay na sumagot ito pero walang salita akong narinig. Muli akong napatingin dito. Nakatitig lang siya sa akin at tinitignan ang reaksiyon ko. "Anyare sa 'yo?" I asked half smiling. Tahimik pa din ito at hindi nagsasalita. "Bahala ka diyan. Busy ako preparing my wedding. Tulungan mo nalang kaya ako dito para matapos ko na. Hindi 'yong tinitigan mo---" "Henrico is back," she cuts me off with words that I don't know how to react nor expected. Hearing his name---is pain. "And so?" Pinanatili kong walang rea

