Pagkagising ko, tinignan ko kaagad kung may tawag siya---kaso wala. Nanlulumong bumangon ako sa aking kama at tumingin sa salamin. Hindi na pala ako nakapagbihis sa kakahintay ko. I tried calling him pero nag riring lang. Isa, dalawa, tatlo hanggang hindi ko na mabilang na tawag. Ganoon pa din. I sighed and texted him. But no reply. That's when I decided calling Mom. "Kunusta hija?" Tanong nito pagkasagot na pagkasagot niya palang sa tawag. "Okay naman po ako, Mom. Andiyan po ba si Isa?" Natahimik ito sa kabilang linya kaya alam kong nandoon nga ito. I even heard his voice telling Mom not to tell me. Ganoon na ba kabigat ang nagawa ko para iwasan niya ako ng ganito? "It's okay, Mom. Sorry po sa abala. Pakisabi na lang po na tawagan niya ako kapag kaya na po niya akong pakinggan.

