Napakislot ako ng marinig ko ang tili ni Marriane sa aking likod.
"Lailanie!"
As in sigaw talaga ang ginawa niya na para bang ang layo-layo ng pinto sa kinaroroonan ko. As usual, napapailing nalang akong nagpatuloy sa pagsusuklay ng aking mahabang buhok. Ignoring her.
"Ang ganda talaga ng bestfriend ko." At nambola na naman po ang loka. Parang de javu ito? May kailangan siya sa akin, sigurado ako diyan.
Nang tuluyan itong makalapit sa gawi ko, pinagmasdan niya ang kabuuan ko. And hindi pa nakontento, pinatayo niya pa talaga ako at pina-ikot ikot sa harapan niya habang ang daliri nito ay inikot ikot niya sa ere.
Natutuwa ako kapag ganito siya. Na-aappreciate niya lagi nag kagandahang taglay ko. Lalo na kapag may kailangan ito sa akin o kaya ipagpapaalam. Either one of the two. Siyempre, aliw na aliw naman ako dahil pinupuri niya ako lagi.
"Kaya inlove na inlove si Henrico sa 'yong babae ka. Nasa sa' yo na ata ang lahat lahat. Hindi mo man lang tinira ang ibang kagandahan mo sa akin." She chuckled.
Kung hindi ko lang alam na may kailangan ito. Mapapaniwala niya talaga ako sa mga salita niya. She and her sweet mouth.
Napairap ako sa kawalan ng paikotin niya na naman ako. At ako naman po itong si masunurin. Umikot din po ako nang umikot para masatisfy ko siya. Nang pinatigil niya ako, napahagikgik ako bigla ng makit ko ang kanyang hitsura. She's pouting like a duck.
"Maganda ka din naman, Marrianne." Puri ko dito at pinisil ng mahina ang kanyang pisngi. Mas napanguso ito.
"Eh, bakit wala man lang magkagusto sa akin?" Pabagsak itong naupo sa kama ko.
"Wala pa kasi 'yong tamang tao para sa 'yo. Kailangan mo lang maghintay." Lumapit ako dito at pinindot ang tungki ng kanyang ilong.
"We are already twenty seven. Baka nakakalimutan mo lang naman. Buti ikaw may kaloveteam na. Eh, ako? Nganga." Nilagay pa talaga nito ang kamay sa kanyang bunganga kaya literal akong natawa.
"Masyado ka kasing nagmamadali. Mamaya sa kakamadali mo, maling tao ang dumating. Hintayin mo lang siya, baka natraffic lang." Biro ko. Hindi ko naman alam na seseryosohin pala ng gaga.
"Text mo nga kung nasaan na siya." Napakunot ang aking noo sa sinabi niya.
"Sino?" As in magkasalubong talaga ang mga kilay ko. At sino naman kaya ang itetext ko?
"Yong love love ko. Di ba sabi mo baka natraffic lang? Kaya text mo siya at sabihin susunduin ko na lang siya para hindi siya mabiglang liko." Literal na napasampal ako sa aking noo. Jusmio marimar!
Saang planeta ba pinanganak itong bestfriend ko at bakit napaka-slow ng utak niya. Jusko!
"Nanay Lourdes..." Tawag ko sa pangalan ng nanay niya.
"Bakit nadamay na naman si Nanay dito? Ano 'yan? Mamamanhikan agad agad? Strict ang parents ko at shy type ako, gurla. Alam mo 'yan." May paipit pa siya ng buhok sa kanyang tenga. Bigyan niyo po ako ng mahabang pasensiya Diyos ko!
Itinaas ko pa talaga ang kamay ko para humingi ng tulong sa taas. Mababaliw talaga ako basta ito ang kasama ko.
" Sayang ka talaga, Marriane. " Napailing iling pa ako. " Maganda ka sana kaso---medyo legwak ang utak mo."
"I know right." May papitik pitik pa siya ng kanyang katawan at daliri na nakapagpatawa sa akin. This girl is really different. "Oh di ba? Ang saya mo kapag kausap mo ko?" Kinindatan niya pa ako. She's right. Nababawasan ang lungkot kong mapag isa kapag kasama ko siya. "Hinihintay ko naman yang tanong yan. Kaso ang tagal niya. Sana lang naman wag naman masyadong matraffic. Baka uugod ugod na ako bago dumating. Wala na akong tamis at asim niyan. Baka alat na lang ang mayroon ako."
Natawa kaming parehas sa sinabi nito. Nagloading na po sa utak niya ang pinag uusapan namin kaya po maayos na ang sagot nito.
"Balik tayo sa pagpapaganda mo. What's the occasion?" She asked.
"It's the fourteenth day of May." Masayang sabi ko dito. Lumaki naman ang mga mata nito.
"Oh my God! Happy anniversary to the both of you. Six years are too long. Wedding bells is coming." Pumapalakpak pa na sambit niya. I agree with her. Si Henrico na lang hinihintay ko. We already planned everything in our life. Tamang oras na lang ang hinihintay namin.
" Thank you, Marriane. Alam kong ikaw ang kauna-unahang tao na sasaya kapag nangyari 'yan sa amin. And siyempre, you're the maid of honor." Nakikinita ko sa aking isip ang suot namin sa kasal ko.
White sparkling gown, red carpet, red flowers everywhere. Rose petals falling from the ceiling. Oh my! My kinda wedding.
"Of course. Sasabunutan ko kayo ni Henrico kapag hindi ako ang maid of honor niyo. Magagalit talaga ako." Kunwari ay nagtatampo na ang loka kaya niyakap ko na siya.
"Ikaw at ikaw lang ang maid of honor ko kapag kinasal ako. Ikaw ang nag iisa kong kapatid at kaibigan." Kumalas ako sa yakap ko sa kanya at nginitian siya.
This date is the most memorable and romantic date, as always. Ito ang araw kung kailan ko tinanggap ng buong puso ang pagmamahal na inialay niya sa akin.
Hindi ko aakalaing aabot kami ng ganito katagal. He's been my life since everything got worst on me. Andiyan siya nung nagkada sira-sira ang buhay ko dahil sa pagrerebelde ko sa buhay. Andoon siya nung halos mamatay ako sa sakit ko. Andoon siya ng maghiwalay ang mga magulang ko and left me without any trace. Hindi ako mayaman. Kung hindi ako magtatrabaho ay wala akong kakainin. At mas lalong wala akong ipantutustos sa pang araw araw ko.
Nagtatrabaho ako bilang isang sales clerk sa isang department store. Nag iisang anak na nga, iniwan pa ng mga magulang. Dati, kinukwestiyon ko ang Diyos sa mga nangyayari sa aking buhay. Bakit ako nagkaroon ng buhay na ganito. Isang kahig, isang tuka kung sabihin nila. Tama sila, dahil kung hindi ako kikilos ay wala kaming kakainin. Lumaki ako sa kahirapan at hindi sunod ang aking mga luho. Paano naman masusunod ang mga luho ko, kung sa umpisa pa lang ay nagtatrabaho ako para sa panggastos namin sa bahay at dagdag pa ang pang alak ng aking ama.
Ayoko na sanang alalahanin pa ang buhay na kinagisnan ko noon, pero laking pasasalamat ko pa din dahil nakilala ko ang isang Henrico San Gabriel. Nagmahal, umunawa, nag alaga at lahat lahat na sa akin. Isa siyang saviour sa aking paningin. Rather than, he's my knight in shining armour or my prince charming sa fairytale land ko. Nagtatrabaho si Henrico sa isang malaking kompanya.
Sa limang taon namin ay ni hindi ko pa napapasok ang pinagtatrabahuan niya. Mas madalas kasi na ito ang sumusundo sa akin pagkatapos ng trabaho ko. We even ate lunch together. Kahit napakalayo ng trabaho nito ay nagagawa pa din niya akong puntahan para sabayang kumain.
That's what I love the most about him. Ako ang inuuna niya. Ako ang priority niya. Kaya mas minahal ko siya ng sobra sobra. Wala na nga ata akong naitira para sa aking sarili. Wala na rin akong papangarapin pang ibang lalake bukod sa kanya. He's my life and my everything.
Napabalik ako sa aking huwisyo ng pitikin ni Marriane ang aking noo. Ang sakit talaga mamitik ng babaeng ito.
"Ang layo na naman ng nilakbay ng diwa mo. Past is past at kailangan mo ng makalimutan iyon. Ang isipin mo na lang ang nagpabago ng buhay mo. Deserve mong maging masaya, Lailanie. After everything that happen into your life. You deserve him and you deserve to be happy and loved. Pakaisipin mo 'yan. " Alam kaagad nito ang tumatakbo sa aking isipan.
Sa ilang taon naming pagkakaibigan. Kilala na niya ako sa loob at labas ko.
At sa tanang buhay ko, simula ng dumating silang dalawa sa aking buhay, nagbago ang lahat. Ini-ahon nila ako sa dilim na kinalugmukan ko ng iwan ako ng aking mga magulang.
Binago nilang dalawa ang pananaw ko sa buhay. Binago din nila ang galit sa aking dibdib para sa mga taong nang iwan sa akin.
" Alam ko naman 'yon, Marriane. Lagi mong sinisiksik sa utak ko 'yan at never kong makakalimutan. I'm thankful to have you as my bestfriend." Nakangiti ngunit naiiyak kong sabi dito at hinaplos ang kanyang pisngi bago yumakap sa kanya ng napakahigpit.
" Hay naku! Drama drama portion na naman tayo dito. Alam mo namang hindi din pwedeng mabura ang make up ko dahil may date din ako. " Napakalas agad ako dito at tinaasan ko siya ng aking kilay. Date na naman.
"Don't tell me na blind date na naman 'yang date na yan?" Napakagat labi ito at nagpeace sign sa akin at tumango.
"Malay mo, bestfriend. Ngayon ko na makikilala ang prince charming ko. Support mo na lang kaya ako." Nagkokorteng puso talaga ang kanyang mga mata sa pinagsasabi niya. Jusko! Kailan ba kaya ito matututo?
"The last blind date na pinuntahan mo? What happened to you back there?" Pagpapaalala ko. Alanganin na ang ngiti nito at umiiwas na ng tingin sa akin.
Tumayo ito sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa may salamin. Humarap ito sa kanyang kanan at kunwaring inaayos ang lagayan ng mga suklay. Naiiling na lang ako dahil umiiwas itong sumagot. Alam niya kasing magagalit na naman ako. Kaya pala may pabola bola pang nalalaman kanina.
Andito kami ngayon sa inu-upahan naming apartment ni Henrico. Yes, we've been living together for almost two years na. At hindi ko yon pinagsisihan. Pero, hindi siya araw-araw umuuwi sa akin dahil kailangan niyang umuwi sa magulang nito.
"I told you. Past is past. Alam mo naman na ang bilis kong makamove on, di ba?" Napabuntong hininga ako sa rason niya. The same reason, as always.
"The other blind dates?" Nakataas kilay na tanong ko. Na ang tinutukoy ko ay ang mga nagdaan nitong mga blind dates na puro kapalpakan.
Lumingon ito sa gawi ko at ngumuso.
I sighed, "hindi ka pa din ba natututo? You're already twenty seven, yet you look and act like a child. Stop that blind date blind date na 'yan, Marriane. I told you. Walang maidudulot na mabuti yan sa 'yo." Pinakita ko sa kanya na galit na ako.
"Lailanie naman, eh." Maktol nito na ikinataas ko ulit ng aking kilay.
Nakita niya ito kaya napaiwas na naman siya ng tingin. She knows me better. Alam niyang hindi niya kayang sumagot sa akin kapag tinataasan ko na siya ng kilay. Alam kasi nitong seryoso ako.
" Anong Lailanie naman, eh? Gusto mo isa-isahin ko ang mga palpak mong blind date na halos ikahimatay mo 'yong iba? O gusto mong ipaalala ko sa 'yo ang pagpapanggap kong tomboy para lang makalayas ka sa blind date na pinasok mo? O' yong huli na muntik ka ng ipaaresto sa mga pulis?" Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko para matigil na siya sa blind date na yan. Kailangan ko pang isa-isahin para maitatak ko yun sa utak niya.
Ngayon ko lang, inisa isa ang mga palpak nitong blind dates. Dahil gusto kong tumigil na ito sa ginagawa niya.
Baka ito pa kasi ang magpahamak sa kanya ng tuluyan. Ayokong may mangyaring masama dito. I'm just worried na baka mapahamak siya kapag hindi pa siya tumigil sa ginagawa niya.
"Pagbigyan mo na ako, Lailanie. Huli na itong gabi na ito. I planned to stop na din talaga dahil ayokong kalbubin mo ako ng tuluyan." Natawa ako sa sinabi niya. Naalala pala niya ang ibinanta ko sa kanya noong huli.
"Hindi ko lang talaga mahindian si Gracia. Saka, this time is different. It's a group date. May friend daw 'yong date nila and wala itong date kaya isasama nila ako. Just this one. Huli na ito and hindi na po ako uulit. Magfofocus na ako sa trabaho ko." Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Yong kanina na pagpigil ko sa kanya ay hindi ko na itinuloy.
Alam ko namang safe siya kapag may mga kasama siya. And I know Gracia. Hindi niya hahayaang mapahamak si Marriane dahil alam nitong malalagot siya sa akin.
"Okay, okay. Papayag ako dahil sinabi mong huli na ito. And I know Gracia won't give you trouble. Alam mo yan. Kaya pasalamat ka." Itinuro ko ito at bahagyang inirapan. Umupo ulit ako sa harap ng vanity mirror at nagsuklay na naman. "Takot lang nun sa 'yo." Tumawa talaga ito.
"Ikaw ba naman ang kornerin at halos maubos ang buhok nito sa sabunot? Sabay bantaan mo pa na ingungudngod mo ang nguso niya sa kanal kapag naulit pa ang nangyari. Malamang matatakot talaga iyon." Natawa na din ako ng maalala ko ang nangyari. Dala lang naman 'yon ng takot at pag aalala ko kay Marriane. Sino ba naman ang hindi? Malalaman mong nasa hospital ang kaibigan mo dahil nawalan siya ng malay sa pagsuntok ng physco niyang kablind date. Pasalamat nga siya yon lang nagawa ko, eh.
"Kaya ikaw," tinuro ko siya ng hindi ito nililingon sa aking likod. Tinuro ko siya sa may salamin. Mataman din itong nakatingin sa akin bagama't tumatawa pa din. "Ayoko ng maulit ang nangyari noon. Sinasabi ko sa'yo, Marriane. Itatali kita sa bahay niyo at bibilinan ko si Nanay Lourdes na wag kang papalabasin."
Itinaas nito ang dalawa nitong kamay at sumuko.
"Opo. Tama na po ang sermon at baka malate ka na po sa iyong date." Kinindatan niya ako.
Bigla akong napamulagat ng mapatingin ako sa relo at nakita kung anong oras na. Sheyt! Thirty minutes na lang pala, male late na naman ako. Hay naku! Nataranta na ako. Hindi ko alam kung ano ang una kong dadamputin.
" Nasaan ang bag ko? Yung sandals ko? Yung phone ko? Yung susi? Yung---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng itinapat ni Marriane lahat ng hinahanap ko.
"I knew it." Tumatawang sabi nito kaya napanguso ako. "Dali na, isuot mo na ang sandal mo at ng makaalis ka na. Sabay na tayo. Ida-drop na lang kita sa meeting place niyo ng Henrico mo."
Sinunod ko agad ang sinabi nito at ng matapos ay niyakap ko siya bago ko siya hinila palabas ng apartment. Isa siya sa taong ayaw kong mawala bukod kay Henrico. Mababaliw siguro ako kapag nawala man ang isa sa kanila.
They are two person who I cling to whenever I am feeling down. At kapag naiisip ko na ako ang pinakaworst na tao sa mundo. Sila ang nagpapagaan ng magulo kong buhay.
Nakangiti akong naglalakad habang hawak ko ang kamay ni Marriane. Pinisil ko ito na ikinalingon niya sa akin and mouthed I love you. I mouthed back the same words. Masaya kaming naglakad palabas ng apartment hanggang sa makapara kami ng taxi.