Ilang sandali pa kaming naghintay. Akala ko ay mag isa lang niya. I was wrong. Napatingin ako sa tinitignan ni Marriane. Nacurious kasi ako dahil nakatulala ito at halos hindi na mapuknat puknat ang titig niya. "Don't look." Huli nang sabi niya dahil nakatitig na ako sa dalawang taong papasok sa loib ng restaurant. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Agad kong inalis ang tingin ko sa kanila at inabala ang sarili para pakalmahin. "Mali ka ng iniisip Lailanie. Kasama niya lang 'yan. Hindi ka niya lolokohin." sa isip sip ko. Nakatalikod na ako sa kanila at pilit na pinapalakas ang aking loob. Kahit anong pikit kong iwaksi ang hinala ko ay parang mas timatatak ito sa aking isip. Kaya ba niya ako iniwan dahil may iba na siya? Bakit hindi niya na lang sabihin sa akin ang totoo ka

