Pagpasok namin sa hospital---nakita namin ang babaeng kasama nito na naghihintay sa labas ng emergency room. Tulala ito at tila malalim ang iniisip. Nag aalangan akong lumapit dito. I know it's my fault kung bakit siya nandito ngayon. Maybe, this is the time na kailangan ko ng magpatawad at palayain ang sarili sa galit. Tumingin muna ako kay Isa, kumukuha ng lakas. When he nodded, dahan dahan akong naglakad para tumabi sa kanya. "Hey," tawag ko dito nang makaupo na ako sa kanyang tabi. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang makita ako. "I'm sorry, alam ko na somobra ako pero sana naiintindihan mo ang pinaghuhugutan ko. I know you're hurt because of what happened. Sana pinakinggan ko na lang siya para matapos na. But---I was too stubborn. Nasaktan kasi ako ng sobra sobra. Sobrang h

