Hindi ako makatinginnng diretso sa mga magulang ni Isa. Halos diinan ko na nga ang pagkakakurot ko sa tagiliran niya dahil hindi niya sinabi sa akin na nasa pamamahay pala kami ng mga magulang nito. Nangingiwi-ngiwi lang ito habang tumatawa. Ang hudyo! Sarap ng tawa. "Nagagawa mo pa talagang tumawang lalake ka." Bulong ko dito at diniinan pa ang pagkakakurot ko sa kanya. "Aray naman, Lai..." nakangiwing bulong din nito sa akin na ikinasama ko nang tingin sa kanya. "Ayaw mo niyan? Meet the parents na agad? Aray..." Napalakas ata ang sigaw niya dahil pagtingin namin sa magulang nito ay nangingiti din silang nakatingin sa aming dalawa. Para bang naghaharutan lang kami sa harapan nila. Jusko naman! Isaiah ka talaga! "You two look good together." Sabi ng nanay nito na ang lawak nang ngit

