BRONE’s POV “Okay ready. Go...” Noong una ay puro kwela lang ang nangyayari sa pagpapalitan ng bola ng volleyball sa bawat team pero di nagtagal ay naging mainit na ang laban. Lalong-lalo na kapag napupunta ang bola sa kamay nila Ace at Raze, paminsan-minsan pa nga ay parang silang dalawa na lang ang naglalaro dahil halos hindi na namin makuha ang bola sa kanilang dalawa. Nagmimistula na lang kaming mga istatwa roon habang nagpapalitan sila ng palo sa bola ng volleyball. “Akin,” ani ni Ford nang papunta sa gawi niya ang bolang pinalo ni Raze pero imbes na makuha niya ito ay kaagad namang humarang sa kanyang harapan si Ace at ito muli ang bumawe. Napasimangot na lamang si Ford dahil sa pagkadismaya. Ang dalawang team ay kapwa may 3 na puntos nang nakuha at lahat ng puntos na iyon ay ka

