CHAPTER 23 - DATE NOON, hindi na naisip pa ni Karen na darating ang araw na magsusuot siya ng mga ganitong damit. Iyong pang-date. Sinuot niya iyong last year na binili niyang dress na isinabay pa sa order ni Joana sa Shein nang magyaya ito para raw mapa-free shipping ito. Pinaunlakan naman niya dahil baka isang araw ay magdi-dress nga siya. At siguro ay iyon na nga ang araw na tinutukoy niya. It's a casual yet so classy dress. Ang design nito ay bishop cut long sleeves na black but may mga designs na red floral na maliliit lang. A-line ang design nito sa baba. Dati ay maluwang ito sa kaniya kahit small size na ang order niya at dahil may katangkaran din siya, above the knee ito nang bahagya na nakapagpalitaw ng kaniyang mga legs. "Nako, tumaba yata ako, Rhian?" tanong niya. Saktong-s

