Girl, You're my Downfall written by Jelica M. Chapter 25 - Heartbreak "WHO is that?" bungad ni Rusell kay Karen. Ngumiti nang pilit ang dalaga. Tinatago ang kaba na nararamdaman. "Wala, napadaan lang," sabi niya rito. "Nauuhaw ako, akin na ang tubig." Kinuha niya ang mineral water at mabilis na ininom pagkatapos ay ngumiti siya sa binata. "I want to watch the live," sabi niya rito. Tumalikod siya at nagpunta sa pinanggagalingan ng malakas na tunog. Tahimik lang na sumunod ang binata sa kaniya. They were watching the live band. Isa itong sikat na Opm band sa bansa. Habang nanonood ay nakayakap sa likuran niya ang binata. Siya ay hindi pinapahalata ang kaba at ito naman ay tahimik lang. Magagalit sa kaniya si Mayor. He personally see her to confirm that she went somewhere far from the

