“Bakit mo nagawa iyon, Paulina?” tanong ni Don Fernan sa asawa. Naiwan na silang dalawa sa loob ng silid. Hindi pa rin siya makapaniwala na ginawang ipakasal ng kaniyang asawa ang kanilang bunso. Masyado pa itong bata para magkaroon ng sariling pamilya. “Ginawa ko ‘yon dahil kailangan natin ng pera, Fernan. Hindi ba tama naman ang ginawa ko?” Huminga nang malalim si Don Fernan. “Ipinakasal mo si Lirah! Mali iyon!” Napasinghap si Donya Paulina. “Bakit parang kasalanan ko pa itong nangyari? Ginawa ko lang naman kung ano sa tingin ko ang makatutulong sa pamilya natin, ah? Nagagalit ka lang dahil si Lirah ang kinasal. Bakit ba masyado mong kinakampihan ‘yan anak mo?!” “I can’t believe you, Paulina!” “Fernan! Hindi ba matagal niyo nang plano ‘to ng kumpadre mo? Ano’ng mal isa pagpapakasal

