CHAPTER 5: Choosing her husband

1913 Words
“THAT woman is insane!” ani Madellaine nang makapasok sila sa pribadong silid sa hotel, tukoy nito ang buntis na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. Tahimik si Laiza na pinunasan ang kanyang katawan mula sa malagkit na likido ng mga itlog na ibinato sa kanya sa stage. Naghanda pa man din siya sa araw na iyon na isinuot ang isang malinis na satin blouse at isang pencil cut skirt. Mukha siyang elegante, malayo sa ibinibintang sa kanya na marumi siyang babae.  “We are sorry for what happened, Ms. Laiza,” anang manager ng hotel na naroon sa bungad para personal na humingi ng paumanhin sa kanila. Magkasalikop ang mga kamay nito at nag-aalala sa kanyang lagay.  Pribado kasi ang lugar at hindi inaasahan na may aakto nang ganoon sa kabila ng prominenteng pangalan ng hotel.  Walang emosyon si Laiza sa kasalukuyan dahil napapagod na siya. Ayaw na niyang umiyak at talagang nasagad na ang lahat ng kanyang lakas sa ilang araw niyang paglinis sa kanyang pangalan. Sa huli ay heto at lalo pa siyang nasira.  “Leave us alone,” ani Madellaine nang mapansin na wala siyang reaksiyon at alam nito na hindi iyon maganda. “Again, we are sorry, Ms. Laiza. We will send you a meal to show our apology and gratitude.” Lumabas na ito ng silid.  “Are you alright?” tanong ni Madellaine sa kanya.  “I don’t know, Mad.”  Marahas niyang naibagsak ang wet towel sa tapat ng tokador. Pinagmasdan niya ang walang emosyon niyang mukha sa salamin. Napapagod na siyang umiyak at kuwestiyunin nang paulit-ulit ang kanyang estado sa kasalukuyan. Sa isang iglap ay bumagsak nang tuluyan ang karera niya sa trabaho. Ang nakalulungkot, ilang taon niya na pinaghirapan ang kung saan man siya naroon sa ngayon.  “I really think it’s Gidget! Siya ang nagbayad sa buntis na iyon para gumawa ng kuwento at sabihin na kabit ka ng asawa niya!” Napayuko siya at isang hindi maipaliwanag na klase ng buntonghininga ang kanyang inilabas. Umasa siya na tutulungan siya ni Trevor, na sasabihin nito na mag-asawa silang dalawa. Ayaw niya na sa kanya magmula ang kumpirmasyon at baka bigla siyang i-deny ng lalaki—lalo na at may kasama itong babae sa Tsina. “Go and take a shower, para kang pinagbagsakan ng langit d’yan sa hitsura mo,” anito muli. “Please prepare my clothes.” Parang wala sa sarili na tumayo na siya at tinungo ang shower room.  Hinubad niya ang nanlalagkit na kasuotan. Nais niyang magkaroon ng kaunting kapayapaan kahit sa saglit na oras lang.  Kaninang umaga, balitang-balita ang pagtungo ni Trevor sa Tsina, at hindi ito nag-iisa. May kasama itong babae na siyang dahilan kung bakit masama ang kanyang loob. Kasama nito ang beauty queen na kasama nito noong thanksgiving party ng “Sweet Lies”. Ibinabad niya ang sarili sa loob ng maligamgam na tub na may bath salt. Ipinikit niya ang kanyang mga mata para alalahanin muli ang kanyang asawa.  Trevor gave her everything she needs in their two years of marriage, but she didn’t see it in the past. She was too confident that he would wait for her whenever she was ready, but she was too late to notice her husband. Hindi niya naramdaman na sukong-suko na sa kanya ang lalaki.  Sa ngayon, si Trevor ang mas importante sa kanya kumpara sa kanyang career kaya hindi siya nakararamdam ng kahit ano sa kasiraan ng kanyang pangalan sa industriya. Gayunman, hindi rin maganda ang pangit na imahe niya sa pangalan ng kanyang asawa. Paano siya nito ihaharap sa pamilya nito ngayon na handa na siya, gayong kabi-kabila ang mga dumungis sa kanyang pagkatao? May ilang minuto siyang nagtagal para makapagmuni-muni at maglinis ng katawan bago siya lumabas ng palikuran.  Nakahanda na ang kanyang susuutin na iniutos ni Madellaine sa PA o personal assistant nito na dalhin doon sa silid. Nakapatong iyon sa malinis na kama.  “I want to go to China,” ani Laiza. Hinarap niya si Madellaine nang puno ng determinasyon ang kanyang dibdib.   “What?”  “I want to follow Trevor. Please prepare my Visa and my passport,” aniya. Nagpalakad-lakad siya sa kanyang silid dahil natetensiyon siya. Pinupuno ni Trevor ng kanyang isipan. “Hey! Ayos ka lang ba? Hindi mo man lang ba naisip na baka bumalik si Trevor sa bansa kung sakali na handa na ang Visa mo? At saka, ang dapat mong problemahin ay ang career mo muna. Hindi naman magtatagal si Trevor sa ibang bansa ‘di ba? “`Yong pelikula mo, nalunod na sa sabaw dahil nasira na ang pangalan mo. Mahihirapan ang management na i-market ka ngayon. ‘Yong kabit-issue mo kay Monica Paraiso, gano’n din, nalulunod din sa sabaw ngayon at pinagpipiyestahan ng mga talipandas na reporter. `Yong buntis kanina? Sila ang dapat mong inuuna. Kung mahal ka ni Trevor, tutulungan ka sigurado n’on.” “I don’t know, Mad. Mababaliw na yata ako sa kaiisip kung ano ang tamang gagawin. There're many issues on my plate, and I am getting depressed.” “Kumalma ka na muna. ‘Yon ang tama mong gagawin! Mas maganda kung hihintayin mo ang asawa mo na bumalik dito at saka mo siya kausapin. Huwag kang magpadalos-dalos at mag-isip ng panibagong isyu.” Umupo si Laiza sa ibabaw ng kanyang kama. “Pero mas maganda nang gumawa ako ng paraan hindi ba? Kahit doon man lang ay napatunayan ko sa kanya na gusto kong bumalik siya sa ‘kin.” Nilapitan siya nito at saka siya niyakap. “Mas maganda kung kakalma ka na muna, Laiza. Mabuti pang matulog ka na muna dito. Sige, para sa ikapapanatag ng loob mo, aalamin ko kung nasaan si Trevor sa ngayon.” “Talaga?” natutuwang wika niya.  “Yes. Dito ka na muna habang inaayos ko ang isyu sa babaeng buntis kanina.” Lumambot naman kahit papaano ang dibdib niya sa sinabi nito. Masyado itong nagpapakaabala para bigyan ng solusyon ang kanyang problema, samantalang siya ay walang maisip kung hindi si Trevor. Nakonsensiya naman siya dahil parang binabalewala niya ang trabaho nito kaya humiga na lang siya sa kama.    “Just rest, Laiza. Ilang araw ka nang walang tulog at baka tuluyan ka nang mabaliw. Lalabas tayo ni Seb kapag maayos ka na. That’s a promise. Magwawalwal tayo.” Tinutukoy nito ay si Sebastian. Napangiti na rin siya. Ayaw naman niya na mukhang nawalan ng pag-asa habang lumalaban para sa kanya si Madellaine. Malaki ang tiwala nito sa kanya.  “Salamat, Mad!” Lumabas na ito ng kanyang silid. Niyakap naman niya ang kanyang unan at saka kinuha ang cellphone para hanapin ang larawan nila ni Trevor na nasa isang pribadong folder. Kailangan kasi niyang mag-ingat sa publiko kaya kailangan ng code bago iyon mabuksan. Hinahanap niya ang presensiya ng lalaki, ngunit nakatatawang ngayon niya lang ito naramdaman matapos ang mahabang panahon. Ganito rin ba ang nararamdaman ni Trevor sa mga araw at gabi na wala siya sa tabi nito? Bakit naman ngayon lang niya napuna ang bagay na iyon? Naglandas ang mga luha sa kanyang pisngi. Heto nga yata talaga ang parusa sa kanya ng tadhana dahil pabaya siyang asawa.  *** “SALAMAT, Gidget!” wika ng buntis na gumawa ng eksena sa event. Nagkita sila sa apartment niya. Nagtawag ang fans niya ng mga haters pa na gumawa ng eksena sa hotel, isang anghel ang tingin sa kanya ng mga ito. Siya naman ay kinuha ang buntis na babae para dagdagan ang problema ni Laiza. Pumaskil ang ngiti sa labi ni Gidget. “Walang anuman iyon!” “Salamat dito! Malaking tulong ito para sa anak ko.” Umalis na ang buntis sa tapat ng kanyang apartment.  Ilang buwan nang hindi maganda ang daloy ng trabaho niya. Nag-audition siya para sa lead role, ngunit inagaw ni Laiza ang posisyon na iyon sa hindi malamang dahilan. Para sa kanya dapat ang karakter na iyon! Mabuti na nga lang at mabait sa kanya ang tadhana, sinira nito si Laiza.  “Sigurado ka ba rito sa ginawa mo, babe?” tanong ng kanyang nobyong si Mark Joseph. Lumapit ito sa kanya at pinulupot ang mga braso sa kanyang baywang mula sa kanyang likuran. “Pa’no kung malaman nila na dawit ka sa babaeng ‘yan?” tukoy ng lalaki sa buntis na papalayo sa kanyang apartment. “Ikaw lang ang nakakaalam na inarkila ko ang buntis na ‘yon at saka siyempre siya!”  “Kung ako ang nasa lagay mo, hindi ko na pinakialaman pa si Laiza.” “Anong hindi? Nasabihan ako ng direktor na wala na silang magagawa dahil tapos na ang shooting kaya tuloy ang pelikula sa Disyembre. Hindi ako papayag na hindi masira ang pangalan niya sa pag-agaw niya sa akin sa role ko! Nasabihan pa naman ako na may nagbayad para sa damage sa production, kaya ha’yun, tuloy pa rin ang pelikula! Kaunting screentime lang talaga ang labas ko!” “Eh, wala na palang magagawa ang production team, bakit nagmaldita ka pa rin?” “Ginawa ko lang ang dapat sa kanya, ‘noh?! At saka, nakakaawa kaya si Ms. Monica. Sa palagay mo ba, si Laiza ang nagbayad ng danyos sa production? Sigurado na ang sugar daddy niya ang nagbayad n’on!” “May katwiran ka naman, pero nag-aalala ako na baka mapahamak ka.” Hinawakan siya nito sa baba.  “Don’t worry about me. Sigurado na ako ang susunod na i-gu-grooming ng management. Wala na ‘yang Laiza na ‘yan sa susunod pa lalo na ngayon an sirang-sira na ang pangalan niya.” Pumaskil ang nakalolokong ngiti sa labi ni Gidget.  Kumuha siya ng wineglass sa cupboard at inalok ang kanyang  nobyo. “Let’s drink and cheers!” “For my career soon!” “To your career, love. I’ll support you.” Pinag-untog nila ang kanilang mga kopita at saka sabay na sinimsim ang alak. They shared a kiss. Hindi pa man lumilipas ang ilang sandali nang may kumatok sa pintuan. Pinaghiwalay nito ang kanilang mga labi.  “Baka bumalik ‘yung buntis,” nakakunot ang noo na wika ni Mark Joseph. Tinungo ni Gidget ang pintuan nang naiirita. “Anong—” Naroon ang buntis, ngunit hawak ito ng dalawang lalaki. “We saw everything, Ms. Guidote. You paid for this pregnant woman. Umamin na rin siya na ikaw ang nagbigay sa kanya ng pera para sirain si Ms. Laiza Delgado.” “H-hindi ko kilala ‘yan! Anong nakita n’yo? Wala kayong pruweba!” pagkakaila niya kahit pa dinadaga ang kanyang dibdib. Naglabas ito ng cellphone at ipinakita sa kanya ang video. Video kung saan malinaw na naroon siya sa tapat ng kanyang pintuan at nag-abot siya ng sobre sa buntis. “Hindi ako natatakot sa plano n’yo. Hindi ‘yan tungkol kay Laiza!” “Sigurado ka ba, Ms. Guidote? Dadalhin namin sa korte ito para sila ang personal na mag-imbestiga sa kaso. Hindi ito makagaganda sa trabaho mo.” “Hindi ko ‘yan kilala! Ang babaeng ‘yan ang sisihin n’yo. Hmp!” Sinaraduhan niya ng pintuan ang mga tao sa labas ng kanyang apartment, ngunit kinabahan siya. Nakagat niya ang daliri. Sino ang mga taong iyon? Delikado ba talaga ang lagay ng trabaho niya?          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD