Episode 6- Dangerous Amusement

1235 Words
"Come in." sagot ni Jiro ng marinig ang marahan na katok mula sa pintuan, hindi na siya nag-abala na magtaas ng tingin ng pumasok ang secretary sa office niya. Nakatingin lang siya sa mga dokumento sa harap niya, pero halatang hindi doon nakatuon ang isip niya. May ibang pumapasok sa isip niya kahit pilit niyang mag focus hindi niya magawa sa ngayon. Ngayon lang siya naisip sa oras parang gusto na niyang mag 7pm agad. Nang tumikhim ang secretary doon siya napatingin kay Azriel. Maayos na naka tayo sa harapan ng mesa niya, composed, at laging isang hakbang nauuna sa lahat ng bagay. “What is it?” “You asked for a report about Ms. Seraphina Quinn.” Saglit na natahimik si Jiro. Ilang segundo bago siya sumagot na oo inutusan niya itong alamin kung anong ginawa ni Sera sa company niya sa loob ng 1 month. Sobra siyang naging busy after ng gabing iyon dahil sa kapatid niyang na aksidente si Joven. Kailangan niyang alalayan ang parents nila kasama ng ibang kapatid nila. Hindi madali ang pinag daanan ng kapatid nila lalo na higit ang parents nila. Pero hindi puwedeng huminto ang buhay nila, sa kanilang magkakapatid nakasalalay ang legacy ng buong La Huerta na mahigpit na bilin ng Lolo nila bago ito namatay na tulungan nila ang Daddy nila sa abot ng kanilang makakaya na wag nilang hahayaan na mawala sa kamay nila ang buong La Huerta Legacy ituloy nila ang mga nasimulan ng mga ninuno nito. “Yes.” Mas lumapit si Azriel at inilapag ang folder sa mesa. “I gathered everything from her department. One month performance review.” Hindi agad binuksan ni Jiro ang folder. Sa halip, sumandal siya sa upuan at tumingin kay Azriel. “How is she?” Diretso tanong niya na walang paligoy-ligoy. Alam ni Azriel ang ibig sabihin ng tanong niya. Hindi lang trabaho ang tinatanong nito. “Professionally?” sagot niya. “She’s doing well. Actually… more than well.” Bahagyang tumaas ang kilay ni Jiro. “She adapts quickly. Maayos makisama. Walang reklamo ang supervisors niya. She’s efficient… and careful.” “Careful?” “Yes, Sir. She doesn’t draw attention to herself. Tahimik lang. Observant.” Hindi umimik si Jiro parang iniimagine ang bawat galaw ni Sera sa loob ng opisina. Tahimik, maingat parang walang alam. Parang… inosente lang, napangiti siya ng bahagya. Inosente. Kung alam lang nila kng gaano siya kainosente. “Pero…” dagdag ni Azriel. Napatingin si Jiro na tumaas ang dalawang kilay na nag intay ng kadugtong na sasabihin. “There’s something else.” “Speak.” Huminga ng malalim si Azriel. “May kumakalat na tsismis sa HR department kung saan siya naka-assign.” Bahagyang sumeryoso ang mukha ni Jiro. “Anong tsismis?” “Na…” saglit nag-atubili ang secreatry niya na mag salita pero itinuloy din sa huli, “Naghahanap daw siya ng… mangkukulam.” Ilang minuto na natameme si Jiro, walang reaksyon para bang walang narinig. “Mangkukulam?” ulit niya, kalmado ang boses. “Yes, Sir.” “For what?” “Para daw… ipakulam kayo.” Saglit na natigil si Azriel, pero tinuloy pa rin na napakagat labi pa sandali bago itinuloy ang sasabihin. “At balak daw kayong… gayumahin.” Lalo ng tumaas ang kilay ni Jiro, kung may ibang tao sa loob ng office niya, baka kinabahan na pero si Jiro, relax lang. Mas lalong sumandal siya sa upuan kasama na ang ulo, parang walang epekto ang narinig. Instead parang gusto pa niyang matawa nag pipigil lang. “I see.” Yun lang ang reaction niya, walang galit, walang inis at walang kahit anong reaksyon parang wala lang. “Do you want me to address it, Sir?” tanong ni Azriel. “No.”Agad niyang sagot. “Hayaan mo lang.” “Yes, Sir.” Tumango si Azriel. “Anything else?” Wala nang sinabi si Jiro, umiling sabay senyales na puwede na itong umalis. “Thank you, Sir.” Nang lumabas si Azriel, at isinara ang pinto, doon tuluyan napangiti si Jiro sa idea ni Sera na ipakulam siya at gayumahin. Ilang segundo siyang hindi gumalaw parang pinoproseso niyang mabuti ang narinig. Hanggang sa napatawa na ulit siya, after na maaksidente si Joven ngayon nalang ulit siya napangiti. Maliit lang sa una, halos hindi mapapansin pero unti-unti…lumaki. hanggang sa namalayan na lang niya natawa na siya ng malakas. “Gayuma?” bulong niya sa sarili, nangingiti. Hindi talaga niya mapigilan sa dami ng babaeng dumaan sa buhay niya si Jesica lang ang pinag-ukulan niya ng pansin. Pero never nangyari na ginulo nito ang isip niya at never na nangyari na napatawa siya habang iniisip ang nobya pero si Sera. After ng gabing yun hindi na nawala sa isip niya at ngayon ito lang ang nakaisip ng ganitong idea. Hindi seduction, hindi charm at mas lalong hindi drama. Kundi… Mangkukulam talaga ang hinahanap nito para gayumahin siya. Napailing siya, natatawa pa rin. “She really thought of that…” May kakaibang saya sa dibdib niya. Hindi dahil sa biro. Kundi dahil sa kung sino ang gumawa nito. Si Sera. Itinaas niya ang paa sa mesa habang nakasandal pa rin siya sa upuan at tumingin sa kisame. Naalala niya ang gabing iyon. Ang paraan ng pagtingin nito sa kanya ang takot, pero may halong tapang. Ang paraan ng pag-react ng katawan nito na hindi sanay, pero hindi umaatras. Ang paraan ng pagiging… natural. Hindi scripted, hindi fake at hindi gaya ng iba. “Gayumahin ako?” bulong niya ulit, may ngiti sa labi. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o… ma-impress. Pero isang bagay ang sigurado. Hindi na niya kailangan iyon, hindi na niya kailangan ng kahit anong kulam. Hindi na niya kailangan ng kahit anong gayuma. Dahil sa totoo lang sa simula pa lang may epekto na ito sa kanya mas malakas at di niya inaasahan. Tumayo siya, naglakad papunta sa bintana. Tumanaw sa malayo sa buong lungsod, maliit lang sa paningin niya, katulad ng lahat ng bagay sa buhay niya na kaya niyang kontrolin. Pero si Sera, mukhang mapapalaban siya dito ng husto, mukhang kailangan niyang gamitin ng kapangyarihan niya bilang CEO para mapasunod lang ito mukha kasing matigas talaga ang ulo nito, pero marunong rumespeto pero halatang hindi mo rin basta mapapayuko kung walang valid na dahilan. Hindi siya predictable, hindi madaling kontrolin. At iyon ang… Nakakatuwa. “Personal assistant…Welcome to my world.” bulong niya. Napangiti siya ulit, hindi aksidente ang memo. Hindi rin random. Planado niya iyon, hindi halata pero sigurado ang resulta na gusto niya. Gusto niya itong malapit sa kanya mas madalas, mas kontrolado, mas… accessible kapag nangailangan siya ng init na kaya nitong ibigay ano mang oras. Napahawak siya sa bulsa ng pantalon niya, nag-iisip. “7 PM…” Mahina ang boses niya alam niyang pupunta ito dahil wala itong choice. Hawak niya ang intership nito na makakatulong dito para sa maganda nitong future at alam niyang sa bawat pagkakataon na susubukan siyang takasan ni Sera mas lalo lang itong lalapit. Napailing siya ulit, bahagyang natatawa. “Mangkukulam…” Kung alam lang nito. Hindi niya kailangan ng kahit anong magic. Hindi niya kailangan ng kahit anong ritual. Dahil sa simpleng presensya pa lang nito sapat na para gisingin ang lahat sa kanya. “Let’s see…” bulong niya, nakatingin sa city lights. “Hanggang saan ka aabot, my dear Seraphina..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD