Chapter 7

2038 Words
Chapter 7 I slowly got up from my bed and then went straight to the bathroom to take a quick shower, nang matapos na akong maligo kinuha ko ang towel na nakasabit malapit sa pinto at pinunasan ko ng towel ang aking buong katawan at pagkatapos ay ipinulupot ko ang towel sa aking basang buhok sa ulo. At sunod ko naman na kinuha ang bathrobe na nakasabit din malapit sa pinto at isinuot ito. Marahan na akong lumabas ng banyo at nag madali akong nag tungo sa wardrove ko para kumuha ng isang pares ng uniporme at pagkatapos ay agad ko itong isinuot. Nag lakad ako palapit sa aking vanity mirror at naupo sa aking upuan, at pagkatapos ay marahan akong yumuko sa harap ng salamin para tanggalin ang naka pulupot na towel sa aking ulo. At ng matanggal ko iyon ay isinampay ko muna ang towel sa likod ng aking upuan at nag simula na akong suklayin ang aking buhok.. I carried my bag out the door of my room, nag mamadali akong bumaba ng hagdan at nag tungo sa kusina para mag hanap ng paper bag na pag lalagyan ng mga sangkap na lulutuin ko para sa food presentation namin sa School. Ng makakuha ako ng paper bag sa gilid ng fridge binuklat ko ito at ipinatong sa ibabaw ng lamesa at pagkatapos ay kinuha ko na sa loob ng fridge ang kalahating kilo na giniling, patatas, itlog at iba pang mga sangkap at inilagay ang lahat ng mga iyon sa loob ng paper bag at agad na akong lumabas ng bahay at sumakay sa itim na van. When Manong Roger dropped me off at school, Canea immediately met me in front of the school to wait for Clarence. Nang dumating na si Clarence ay sabay sabay kaming tatlo pumasok sa loob ng classroom dala dala ang mga sangkap na pinamili namin at mag kakasamang naupo sa harapan. Napansin namin na may limang mini kalan sa harapan namin na naka helera at may mahabang lamesa na may naka lagay na mga kawali, sandok at kung anu-ano pang mga utensil na pwede namin gamitin para sa pagluluto at may mga butane din na naka ready sa tabi ng mini kalan. Pagdating ng professor namin ay nag simula na agad itong mag tawag ng mga pangalan, sa bawat limang estudyanteng tatawagin niya sa harapan ay may 30 minutes lamang para mag luto. Hanggang sa marinig namin na tinawag na ng aming professor ang mga pangalan naming tatlo nila Canea-star at Clarence para sa food presentation, kasabay namin ang dalawa pa naming schoolmates sa pagluluto. Nag simula na akong pumunta agad sa harapan at sinimulan ko ng buksan ang mini kalan at pagkatapos ay inilagay ko ang maliit na kaserola na may tubig para ilaga ng ilang minuto ang patatas. Pagkatapos ay nag hiwa muna ako ng sibuyas at bawang at inilagay ito sa maliit na platito at itinabi ko muna. Isinunod ko naman ang apat na itlog kumuha ako ng mangkok at binati ko doon ang apat na itlog pagkatapos ay kumuha pa ulit ako ng dalawang mangkok para pag lagyan ng harina at breadcrumbs. Nang matapos ko ng ilaga ang patatas itinapon ko ang tubig na pinag lagaan nito at inilagay ko muna ang patatas sa malaking mangkok at pagkatapos ay nag lagay ako ng kawali sa kalan at mantika, sinimulan ko ng igisa ang sibuyas at bawang at pagkatapos ay ang ground beef nilagyan ko din ito ng kaunting iodised salt at ground black pepper na powder at konting maggi magic at saka ko ito hinalo halo. Ng makita kong luto na ang giniling agad kong pinatay ang kalan at isinala ko sa stainless na strainer ang giniling para matanggal ang konting sabaw at mantika nito saka ko ibinuhos sa malaking mangkok na may patatas. Ipinag sama ko ang nalutong giniling at patatas saka ko dinurog durog ang patatas kasama ng giniling at hinalo ng mabuti sa malaking mangkok, nang matapos ko ng haluin ang patatas at giniling kumuha ako ng isang measuring spoon na naka lagay sa mahabang lamesa para gawing pang hulma at pagkatapos ay isinandok ko ito sa patatas at hinulma ko ito na parang bilog at pinalapad sa aking kamay hanggang sa makagawa ako ng 20 pieces. Nang matapos na ako sa pag huhulma ng patatas ay inilagay ko na ang kawali sa kalan at nilagyan ito ng maraming mantika hanggang sa kumulo ito, nakita ko sila Canea at Clarence sa aking tabi na parehas itong busy at seryoso din sa kanilang mga ginagawa. Nang makita kong kumulo na ang mantika ko sa kawali agad akong kumuha ng patatas na naka hulma na at isinawsaw ito sa harina at pagkatapos ay inilubog ko ito sa itlog na binati ko kanina at muling isinawsaw sa breadcrumbs ang patatas na naka hulma bago ko ito inilubog sa kumukulong mantika. Inulit ulit ko lang ang mga proseso sa pag prito ng patatas hanggang sa makita ko itong nag kulay brown na saka ko ito marahan na inahon sa kawali ang mga naluto at maingat ko naman inilagay ang lahat sa isang maliit na stainless na tray. At dahil nakalimutan kong bumili sa grocery ng ketsup at mayonaise para sa gagawin kong dip sauce, nanghingi nalang ako sa mga schoolmates ko na mayroong dala at pagkatapos ay ipinag halo ko ito sa maliit ng mangkok at inilagay sa tray kasama ang japanese mashed potato na ginawa ko kung tawagin. Halos magkaka sunod kaming tatlo nila Canea at Clarence natapos sa pagluluto at inilagay namin ang mga nailuto namin sa mahabang lamesa. Nilagyan din namin ito ng mga pangalan ng pagkain kada tray at pangalan din namin. "Girls, feeling ko na stress 'yong beauty ko sa pagluluto!" Maarteng sabi ni Clarence habang nagliligpit kami ng mga kalat at mga ginamit namin sa pagluluto, narinig ko naman na tumawa ng malakas si Canea nang marinig ang sinabi ni Clarence. "Nasaan 'yong beauty na sinasabi mo akla? Eh mukha ka ngang kargador sa palengke eh! Hahaha!" Sagot naman ni Canea kay Clarence na biglang ngumuso at sumimangot nalang ito. "Tse!! Manahimik ka na nga lang diyan!" Agad na sagot ni Clarence at tumalikod na ito sa amin pabalik ng upuan at doon naupo at humalukipkip. Pagkatapos namin iligpit ang mga kalat binigyan kami ng aming professor ng tig 50 pieces na sticky note kada isa sa amin para ibigay sa mga professor na titikim ng pagkain, dahil sila ang mag lalagay sa sticker kung ilan ang star na dapat ilagay sa sticky note bago ibigay sa amin. sila din ang mag lalagay ng ratings at feedback. Matapos kaming bigyan ng sticky note ay agad namin kinuha ni Nea ang tray sa mahabang lamesa para ipa free taste sa lahat na mga professor na nasa loob ng campus. Kasunod namin si Clarence sa aming likuran at ang iba pang mga studyante para ipa free taste din ang mga dala nilang pagkain na nasa tray. Natapos namin ang mag hapon na pag iikot ng mga pagkain at si Clarence ang may pinaka mataas na nakuhang star sa mga professor, dahil nga sa pagiging makwela nito at makwento, naglalakad na kaming tatlo palabas ng campus ng makita ko agad ang sasakyan ni Kuya Quentin na naka parada ito sa labas ng Campus. Naka tayo ito sa pinto ng kanyang kotse at naka suot ng black leather jacket at ang panloob nito ay white shirt lang na tinirnuhan ng black jeans habang naka sandal ito sa pinto ng kanyang kotse at may kausap ito sa kanyang cellphone. Agad naman akong lumapit dito at tinapik ito sa balikat habang nasa aking likuran ang dalawa kong kaibigan. "Kuya! Ano ginagawa mo dito sa labas ng Campus?" I asked him curiously, agad itong napa tingin sa akin at sa aking likuran na kasama sila Nea at Clarence pagkatapos ay ibinaba nito ang hawak niyang cellphone at inilagay sa kanyang bulsa. "Hi!" Nakangiting sabi ni Kuya Quentin while waving his hand at Canea-star and Clarence, lumapit pa ito kila Clarence at Nea para lang makipag shake hand. At pagkatapos ay humarap ito sa akin at marahan na hinila ang aking braso palayo sa dalawa kong kaibigan. "Bakit nanaman ba nandito ka Kuya Quentin?" Mahinang tanong ko dito na kakamot kamot ito ng ulo sa aking harapan. "Wala ka naman siguro lakad kasama ng mga kaibigan mo diba? Baka pwede mo akong samahan may pupuntahan lang tayo?" Seryosong sabi nito sa akin, na agad naman akong naka isip ng kapilyuhan sa utak ko. "Okay, sige! Pero may bayad isang araw ko!" I said while looking at his face, nang hindi agad ito sumagot ay tinalikuran ko ito at nag lakad palapit kila Clarence at Nea. "Sandali!!" I heard Kuya Quentin shout, kaya naman marahan akong lumingon sa kanya at nakita ko itong papalapit sa akin. "Okay, fine!! Libre nalang kita ng pagkain!" Dagdag na sabi pa nito sa akin na agad ko ding tinanggihan at humalukipkip sa harapan niya. "Di bale nalang! Mas gugustuhin ko pa silang makasama kesa sayo!" I answered him and rolled my eyes at him, akmang tatalikuran ko na ito ng bigla niyang hawakan ang aking braso. "Okay, fine! How much you need?" Quentin immediately said to me, ngumisi naman ako ng bahagya sa kanya, at mukhang importante nga ang pupuntahan nito na kailangan ko pa siyang samahan. "One hundred thousand pesos!" I said bravely in front of him, na nakalapat ang aking isang kamay sa harapan niya na parang nag aantay na lagyan niya ng makapal na pera ang aking palad na agad naman niyang kinagulat ang sinabi ko. "Are you kidding me kurdish? I am just asking for a few hours and not a whole day!" He said to me irritated, kaya naman sa inis ko binulyawan ko nga agad ito. "Ayaw mo? Di wag!! Diyan ka na nga!!" Inis kong sinabi sa kanya at tinalikuran ko na ito ng tuluyan, pero deep inside natatawa na ako sa reaksyon ng mukha niya kaya naman nag matigas pa ako na sumama sa kanya dahil alam kong mag pupumilit ito. "Okay, sige na! Panalo ka na!! Deal? For 100k?" Agad na sagot ni Kuya Quentin sa akin na naiirita na, natatawa naman ako sa aking narinig na sinabi sa akin ni kuya Quentin kaya naman pinilit kong huwag matawa ng lingunin ko ito. "Okay, sige! Tara na?" I immediately asked him, agad naman itong tumango sa akin at pagkatapos ay binuksan nito ang pinto ng kotse sa passenger seat bago ito umikot papunta sa driver seat at doon nag antay sa akin sa loob ng kotse. Agad naman akong nag paalam kila Clarence at Canea na may importanteng lakad kami ni Kuya Quentin at hindi na muna ako sasama sa kanila, nang makasakay na ako sa harapan ng kotse ay agad na pinaandar ni Kuya Quentin ang sasakyan niya at minaneho ito ng mabilis na akala mo ay hinahabol ng mga pulis. Mahigit kalahating oras kaming nasa byahe at parehas kaming walang kibuan hanggang sa makarating kami sa isang lugar na may mga magagarang sasakyan. When we got to a parking lot, I looked around. Hindi ako pamilyar sa lugar na pinag dalhan sa akin ni Kuya Quentin pero narinig ko na agad niyang pinatay ang makina ng kanyang kotse at pagkatapos ay hinubad nito ang suot niyang black leather jacket at iniabot sa akin. I frowned and gently took his black leather jacket from his hand, "Ano gagawin ko dito?" I asked him curiosly. "Isuot mo muna 'yan pagbaba mo ng kotse!" He immediately answer me, at pagkatapos ay lumingon pa ito sa likuran at may kinuha pa itong paper bag at saka iniabot sa akin. Agad ko naman kinuha ang paper bag at tinignan ang laman nito. At ng makita ko ang nasa loob ng paper bag ay marahan ko itong inilabas at itinaas ng dalawa kong kamay. Isang long sleeve tight fitted dress na color red at hindi ito lalagpas sa tuhod ko. "At para saan naman 'to?" Takang tanong ko dito habang tinitignan ang damit na hawak hawak ko. "Susuotin mo din 'yan mamaya! But put on my jacket first before getting out of the car." He said to me,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD