Chapter 20

1994 Words
Chapter 20 We were already in the car while Kuya Grayson was driving fast home, wala itong narinig sa akin na kahit anong reklamo ko o salitang hindi maganda habang nasa byahe kami pauwi ng bahay. He drove his car for several hours until he broke the silence between us. "Is it okay with you if I just drop you off in front of the house?" he said softly to me. "I have to go to the bar because Vackenzo is waiting for me and we're going to fix something!" dagdag na sabi pa nito sa akin, marahan ko naman itong nilingon sa aking tabi at tinignan sa mukha habang seryosong nagmamaneho ito at naka tingin sa harapan ng kalsada. "Okay!" agad na sagot ko sa kanya na walang kabuhay buhay, at ng bigla niya akong lingonin sa tabi niya ay agad naman akong tumingin sa bintana ng sasakyan. Until I heard him sigh loudly. And when the car stopped in front of the house, I immediately opened the car door and immediately got out and then walked inside the house, hindi ko na ito hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto ng kotse niya. "Goodnight Isha!" Narinig ko pa itong tinawag ang aking pangalan pero tuloy-tuloy pa rin ako sa aking paglalakad papasok ng bahay hanggang sa marinig ko ang malakas na pagharorot ng kotse nito paalis. I immediately went to my room to clean my body, nakaramdam ako ng init sa aking katawan kaya naman agad kong hinubad ang suot kong jacket at inihagis lang ito sa ibabaw ng aking kama at pagkatapos ay sunod ko naman hinubad ang suot kong jogging pants na grey at ang pang itaas na damit hanggang sa wala ng damit na matira sa aking katawan. I walked naked into the bathroom, and I feel the stickiness of my whole body. Nasa harapan ako ng shower at nakatapat dito ang buong katawan ko habang naka bukas ito at tuloy-tuloy na dumadampi ang tubig sa hubad kong katawan. Halos kalahating oras akong nasa tapat ng shower dahil sa sobrang init na naramdaman ng aking katawan. Pinagpawisan ako ng husto sa loob ng kotse ni Kuya Grayson sa sobrang takot at kaba hindi ko ramdam ang lamig ng aircon sa loob ng kotse niya.. sabi ko na lang sa aking sarili habang napapailing kapag naiisip ko siya kung paano magpatakbo ng sasakyan. Nang matapos na akong maglinis ng katawan ay agad ko naman kinuha ang towel na nasa tabi lang ng pinto at agad na ipinunas sa buong katawan ko at pagkatapos ay ipinilupot ko ito sa aking buong katawan at agad na lumabas sa loob ng bathroom. I went to the closet to get a pair of pajamas, nang makapag suot na ako ng damit ay agad kong kinuha ang mga damit kong hinubad sa aking kama at inilagay ito sa basket at pagkatapos ay agad na pinatay ang ilaw sa loob ng aking kwarto at marahan na nahiga sa aking kama para matulog. The next day I woke up early to go to school, nakasuot na ako ng aking uniporme at dala-dala na ang aking mga libro sa kamay at bag pababa na ng hagdan para mag-almusal nang makita ko naman sila Mommy at Daddy katabi si Kuya Grayson habang nakaharap sila kay Kuya Quentin sa lamesa na nag-aalmusal sa harapan ng lamesa. Paglapit ko sa lamesa ay agad na ngumiti si Kuya Grayson sa akin at tinawag ang aking pangalan. "Oh, you're awake Isha, come and join us for breakfast!" he happily told me, hindi ko pa rin ito pinapansin hanggang sa marahan kong hinila ang upuan sa tabi ni Kuya Quentin at agad na naupo sa tabi nito. "Are you still mad at me?" he asked me while looking at my face with frown, agad naman napatingin sa akin si Mommy at Daddy ng hindi ako sumagot sa tanong ni Kuya Grayson. Agad kong hinawakan ang kutsara at tinidor na nasa harapan ko at pagkatapos ay nag sandok na ako ng aking makakain na parang wala akong nakikita na mga tao o naririnig. "Why? Is there a problem?" Dad asked me, hindi pa rin ako kumikibo sa mga tanong nila sa akin at tuloy-tuloy pa rin ako sa pagsandok ng mga pagkain at nag simulang kumain hanggang sa muling mag salita si Kuya Grayson sa tabi ni Daddy. "Hindi ka pa rin nagbabago talaga, matampuhin ka pa rin hanggang ngayon!" natatawang sabi sa akin ni Kuya Grayson. "Ini-spoiled mo kasi dati sa kaartihan kaya ganyan!" agad naman na singit ni Kuya Quentin sa aking tabi na sinabayan pa ito ng malakas na tawa kaya naman agad ding natawa sila Mommy at Daddy. "Such behavior is normal for girls like her!" agad na sagot ni Kuya Grayson kay Kuya Quentin, agad ko naman inilapag ang hawak kong kutsara at tinidor sa aking plato ng marinig ko ang sinabi ni Kuya Quentin sa akin at pagkatapos ay marahan ko itong nilingon sa aking tabi at humalukipkip sa kanyang harapan. "So, ano gusto mo? Ikaw ang ini-spoiled sa kaartihan dati? Eh hindi mo naman deserve!" inis na sagot ko naman sa kanya na walang ginawa kundi inisin ako at pagkatapos ay inirapan ko ito at humarap kila Mommy at Daddy hanggang sa tumingin ako sa mukha ni Kuya Grayson at pagkatapos ay muli kong ibinalik ang aking tingin kila Mommy at Daddy. "Eh, paano naman kasi hindi ako magtatampo Daddy, ang bilis-bilis niya magmaneho ng sasakyan halos matanggal na ang buong kaluluwa ko sa katawan ko sa sobrang takot!" sumbong ko kay Daddy at Mommy na parang bata habang naka nguso sa harapan nila na ikinatawa naman nilang lahat ang sinabi ko. "Okay! tama na 'yan at kumain ka na baka ma-late ka pa! Nasanay ka lang sa pagmamaneho ni Manong Roger!" agad na sabi ni Mommy sa akin at pagkatapos ay muli kong hinawakan ang kutsara at tinidor na nasa plato ko at marahan na yumuko para ipagpatuloy ang pagkain ko. "I'll take you to your school, I'll wait for you outside!" seryosong sabi sa akin ni Kuya Grayson kaya naman agad akong napaangat ng tingin sa kanya habang may nginunguya na pagkain sa bunganga ko, nakita ko itong mabilis na uminom ng tubig at pagkatapos ay agad na kumuha ng tissue na nasa gitna ng lamesa para ipunas sa kanyang basa na labi. Patayo na ito ng upuan ng agad ko naman nilunok ang pagkain na nasa bunganga ko at saka ito tinawag. "Wait Kuya!!" sigaw ko sa kanya na ikinahinto niya sa pagtayo sa upuan at agad na napatingin sa aking mukha. habang ang isa kong kamay ay naka taas at naka senyas ito ng stop sa kanyang harapan. "Si Manong Roger na lang ang maghahatid sa akin!" seryosong sabi ko sa kanya at pagkatapos ay muli itong humalakhak ng tawa at umiling-iling bago tuluyang tumayo at lumabas, agad naman akong nagmadaling kumain at agad na uminom ng tubig bago tumayo ng upuan. I was carrying my stuff and bag out of the house when I saw Kuya Grayson standing in the black van and he was leaning against the sliding side van door, naka suot lang ito ng plain t-shirt na white at short na maong na hindi lalagpas sa kanyang tuhod at pagkatapos ay pinaresan niya lang ito ng dark brown leather sleeper. Napa hinto ako sa aking paglalakad at sinimangutan ko ito ng tumingin siya sa akin nang huminto ako. Agad itong umalis sa pagkakasandal sa sasakyan at agad na binuksan nito ang sliding side door ng itim na van at mabilis na pumasok sa loob at naupo. I hurried to walk closer to the black van when I saw him quickly sit inside the van, agad akong sumakay sa loob ng sasakyan at naupo sa kanyang tabi at agad na sinara ang sliding side door ng van. Naka hinga ako ng maluwag nang mapansin kong si Manong Roger ang nasa harapan namin at naka upo sa driver seat para magmaneho ng van papuntang eskwelahan. "Bakit ka nandito sa loob ng van?" takang tanong ko sa kanya ng lingunin ko ito sa aking tabi. "Like I said earlier, I'll take you to your school!" he said softly to me while smiling, muli kong ibinalik ang aking tingin kay Manong Roger habang marahan itong nagmamaneho ng sasakyan palabas ng subdivision. "Kuya, malaki na ako at hindi na kailangan ihatid pa sa school ko!" pagtataray ko sa kanya, na bigla naman itong humarap ng upo sa akin na ikinalingon ko sa kanya at ng makita ko ang mukha nito ay bigla na lang naging seryoso. "Really? And why does Manong Roger have to take you to your school if you are really grown up?" seryosong sagot niya sa akin at hindi manlang ito ngumingiti, hindi ako nakapag salita sa kanyang sinabi at bigla na lang akong napaisip sa kanyang sinabi. Oo nga naman, bakit kailangan ko pa laging magpahatid sa eskwelahan at mag pasundo kung talagang malaki na ako. Sabi ko na lang sa aking isip. Agad naman lumambot ang tingin ko sa kanya at unti-unting ngumingiti sa harapan niya hanggang sa tuluyan na akong tumawa. "See? you can't answer me right? Because you are still young!" he said seriously, at itinaas pa niya ang isang kilay niya sa akin bago ito umayos ng upo paharap kay Manong Roger na nasa unahan lang naming dalawa. And when we got to my school, I immediately got off the van with my bag and books in my hand, nakakailang hakbang pa lang ako ng mapansin ko kaagad na naka sunod ito sa aking likuran si Kuya Grayson kaya naman agad akong napalingon sa aking likuran at napahinto sa kanyang harapan. "Saan ka pupunta Kuya?" takang tanong ko sa kanya habang naka tingala sa mukha nito na agad din niyang ikinahinto sa paglalakad. "I'll take you inside the school!" he answered me seriously and then he gently put his hand on my shoulder, na agad ko naman tinanggal sa aking balikat na ipinagtaka niya. "Kuya, ano ba?!" reklamo ko sa kanya habang nakatingin siya sa aking mukha. "Hindi ka pwede doon sa loob, saka wag ka nga akbay ng akbay sa akin baka mapagkamalan ka pang boyfriend ko!" dagdag na sabi ko pa sa kanya na naiinis na sa kulit nito. "Why? Don't you want to be with a handsome man?" sabi pa nito sa akin sa inis ko ay hinila ko ang isang kamay nito at naglakad pabalik ng van, agad ko itong pinilit na sumakay sa loob ng van kulang na lang ay itulak ko siya sa loob para makasakay na ito at makaalis na. Hanggang sa marahan niyang tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanyang kamay. At agad na humarap sa akin habang itinataas ang kanyang dalawang kamay na akala mo ay sumusuko na. "Okay! Okay! Aalis na ako!" natatawang sabi niya sa akin at pagkatapos ay agad na itong pumasok sa loob ng van at kumaway pa sa akin, agad ko naman isinara ang sliding side door ng van at agad tumalikod at naglakad papasok sa loob ng paaralan. I was annoyed and dropped my bag on the seat next to Nea, agad naman tumingala at napatingin sa aking mukha si Nea ng makita niya akong nakasimangot. "Anong nangyari sa'yo ba't ganyan ang itsura mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa!" sabi nito sa akin, agad naman akong naupo sa tabi niya at inilapag ang mga hawak kong libro sa table ko at nangalumbaba. "Kasi naman ang aga-aga mambwesit ng Kuya ko!" agad na sabi ko sa kanya at pagkatapos ay nagbuntong hininga ako ng malakas. "Sinong Kuya? Dalawa kaya Kuya mo!" takang tanong niya sa akin habang nakatingin ito sa aking mukha. "Si Kuya Grayson!" agad ko naman na sagot sa kanya at pagkatapos ay agad kong inayos ang aking upo nang dumating na ang aming professor kasunod nito si Rence sa likuran na agad din umupo sa aking tabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD