The Meeting Place

1610 Words
1 Pedro 5:6-7: "Kaya't magpakumbaba kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos, upang sa tamang panahon ay itataas niya kayo, na ihagis sa kanya ang lahat ng inyong mga kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo." ***** Natalie's POV Hinawakan ko ang aking sentido dahil iniisip ko ang aking napanaginipan tungkol kay JD. May nangyari ba sa kanyang masama kaya di ko siya nakita kanina? Paano na may mangyari sa kanya na masama ay wala naman siyang kaaway at matagal naman na ang nangyari sa pagitan nila ni Jeff. Speaking sa pangalan ni Jeff ay bigla akong kinabahan kaya pinilig ko ang ulo ko dahil sa aking iniisip tungkol sa lalaking iyon. Sakto na nasulyapan ko ang orasan at lampas na ng alas-nueve. Alam ko na bukas na ang mall kaya nagmamadali akong nagbihis. Pagbaba ko ay hindi ko pa nahagilap ang mga magulang ko kaya kay Aling Mercy na ako nagpaalam. Agad akong nagtungo sa garahe at pinaandar ang aking sasakyan. Madadaanan ko ang school kung saan nagtuturo si JD ng karate kaya plano kong huminto doon kaso naisip ko na nakakaistorbo ako kaya nag patuloy lang ako sa aking pagmamaneho hanggang sa mall. I spent my time shopping na mag-isa hanggang inabot na ako ng tanghalian and I ate at the restaurant with my favorite food. Naglalakad-lakad muli ako at window shopping naman na ngayon saka bibili sa susunod. Pagkatapos kong nag-window shopping ay nagpasya na akong umuwi. Dahil traffic ay inabot ako ng alas-dos sa kalsada bago ako nakarating ng bahay. Pag-akyat ko ng kwarto ay agad ko inayos ang aking mga pinamili, saka nagbihis ng damit pambahay. Humilata ako sa aking kama at ang parang ang sarap mahiga hanggang sa di ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa pagod. Nagising ako ng alas-kwatro na ng hapon, naramdaman ko ang excitement dahil treinta minutos lamang ay makikita ko si JD sa aming tagpuan sa ilalim ng akasya sa tapat ng aming bahay. Naghilamos muna ako bago ako bumaba ng hagdan, diretso sana ako ng kusina ng nadaanan ko ang sala. Nandoon ang parents ko na nanonood ng movie habang may merienda sa center table. Hindi nila ako napansin habang nakatingin sa kanila. "What a sweet couple!" Sa isip ko dahil magkatabi silang nakaupo sa mahabang couch, nakahilig ang ulo ni Mommy sa balikat ni Daddy at nakaakbay naman siya kay Mommy. Tumikhim ako para agawin ang kanilang atensyon at sabay pa silang lumingon sa akin. Nang nakita nila ako ay agad ako lumapit at umupo sa isang couch sa tabi ng isang mahabang couch. "How's your shopping, hija?" Tanong ni Daddy sa akin. "Fine, Daddy. Just bought a little dress for me." "Good." "Okay, have a snack,hija." Offer ni Mommy sa merienda na nasa ibabaw ng center table. "Yeah,sure. I wanted it." Pagkatapos kong nag-merienda ay dinala ko ang ginamit kong mangkok sa kusina. Nagpaalam akong lumabas sa tapat ng bahay at pinayagan naman nila ako. Alas-singko na ng hapon ng lumabas ako sa bahay ngunit laglag ang balikat ko ng walang John Dave ang naghihintay sa akin sa puno ng akasya na aming kinauupuan. Nakaramdam ako ng lungkot na umupo sa bench. Bakit wala pa siya sa oras na ito? Dati naman ay alas-kwatro y media ay narito na siya. Ilang minuto pa ako naglagi dito hanggang sa tumayo na ako at bumalik sa loob ng bahay. Pagpasok ko sa loob at ng dumaan ako sa sala ay wala na ang aking mga magulang kaya diretso ako sa hagdan at umakyat na lang sa aking kwarto. Nag-iisip akong naupo sa aking kama, kung bakit hindi ko nakita si John Dave sa araw na ito. "It seems something wrong?" Sita ng utak ko. Tumayo ako bigla at kinuha ang cellphone ko dahil nais ko siyang tawagan para alamin kung anong nangyayari sa kanya. Tatawagan ko sana siya ngunit bigla kong naalala na wala pala siyang cellphone. Sumilip ako sa bintana upang tingnan kung meron siya dahil baka na-late lang siya pero wala pa rin. Nag-aalala ako bigla dahil naisip ko ang aking napanaginipan kagabi. Tumakbo ako palabas ng aking kwarto patungo at diretso ako sa kwarto nila Daddy at Mommy. Pagdating ko sa tapat ng kwarto nila ay agad akong kumatok ng sunud-sunod. "Daddy, Mommy open please," malalakas ang aking katok at ginawa ko ito ng dalawang beses. Ilang sandali ay nagbukas ang kanilang pinto. "Bakit, Natalie, hija? Anong nangyayari?" Tanong sa akin ni Mommy na katatapos yatang naligo dahil may tuwalya na nakabalot sa kanyang ulo. Nakita ko naman sumulpot si Daddy na hawak ang kanyang cellphone. Siguro ay may kausap dahil sa malakas kong katok ay naistorbo ko sila. "Mommy," kasabay ng aking pagyakap sa kanya. "Hindi ko pa nakita si John Dave kaninang umaga at sa hapon na ito. K-kaninang umaga ay napanaginipan ko siya na nakatali ang mga kamay at paa." Huminga muna ako para punuin ng hangin ang aking dibdib saka muli akong nagsalita. Ang reaksyon ng magulang ko ay kunot ang noo at naghihintay sa aking sasabihin. "Humihingi siya ng tulong sa akin. Tulungan ko sana siya ngunit nagising na ako." Mahaba kong linya habang humahangos. "Bumalik ka na sa kwarto mo, kami na ang bahala, ipapahanap namin siya ng Daddy mo," sabi ni Mommy sa akin. "Please--Mommy, Daddy." Pakiusap ko sa kanila. Nang masigurado ko na totohanin nila ang sinabi ni Mommy ay umalis ako agad sa kanilang kwarto. Bago pa ako umalis ay may narinig akong kausap si Daddy sa cellphone. Kung hindi ako nagkakamali, kausap ni Daddy ang private investigator ng aming pamilya. Nasa kwarto na ako at kinakabahan ako para kay John Dave. Mabait siyang tao at alam kong wala siyang kaaway pero iba ang kutob ko ngayon. "Lord, please help him," taimtim kong dasal. Hindi ako mapakali, maupo,tumayo at naglakad pabalik-balik sa kwarto ko. Sumilip ako muli sa aking bintana na nagbabaka-sakali kung may John Dave na nga ba sa inuupuan niya. Ilang beses na akong sumilip pero wala talaga. Narinig kong bumaba sila Mommy at Daddy. Binuksan ko naman ng bahagya ang aking kwarto para marinig ko sila. Biglang may tumawag sa telepono sa bahay kaya inangat ko ang telepono dito sa aking kwarto para marinig ko kung sinuman ang tumawag. Narinig ko si Mommy na may kausap at binigay ang mga detalye ni John Dave. Di ko matukoy kung sa private investigator o sa mga pulis niya binigay kasi walang pangalan na binanggit sa taong kausap maliban lang kay John Dave. "Kung sa pagkaka-alam po ba ninyo, ano ang last na encounter nitong John Dave o may nakaaway siyang tao?" Tanong ng tao sa kabilang linya. Narinig ko ang sagot ni Mommy at narinig ko ang pangalan ni Jefferson. Kunot ang noo ko sa aking narinig at bilib ako kay Mommy mas marami yatang alam kay John Dave. Natatandaan pa niya ang encounter nila ni Jefferson. Dahil sa aking narinig ay marami tuloy akong iniisip sa taong iyon. Pero matagal ko siyang hindi nakikita ah. Dahan-dahan kong binaba ang telepono sa aking kwarto. Naglakad ako patungo sa aking office na karugtong ng aking kwarto. Umupo ako sa aking swivel chair habang iniisip si Jefferson kaya nakaramdam ako ng galit sa kanya. Bumalik sa alaala ko ang ginawa niya sa akin sa party ng kaibigan niya lalo na sa video na aking natuklasan, ang s*x video nila ng babae niya. "May kinalaman kaya siya tungkol kay John Dave?" Tanong ko sa isip ko. Biglang may kumatok sa pinto ng aking kwarto na narinig ko sa aking office. Tinawid ko ang pagitan ng office ko hanggang narating ko ang pinto. Binuksan ko ang pinto at si Mommy ang nabungaran ko. Pumasok siya sa kwarto, sinarado ko ang pinto at sumunod sa kanya. "Natalie, hija, na-i-report na namin at pinapahanap namin si John Dave." "Thank you, Mommy." Sabi ko sa kanya sabay yakap muli kay Mommy. "Don't worry, hija, he will come back soon. Wala pang beinte kwarto oras na nawawala siya." Sabi ni Mommy habang hawak ang aking baba. "Okay, Mommy. I hope he is fine." "Of course, hija. He is a good man. We will wait for their call. Have a rest and don't bother yourself. Sige, iiwan muna kita." Sabi ni Mommy at nagpaalam na siyang lumabas ng aking kwarto. Umupo ako sa kama at dahan-dahan akong nahiga na nakatihaya. Diretso ang tingin ko sa ceiling at naramdaman ko ang paglapit ni Chessy na humiga na rin sa tabi ko. Hinaplos-haplos ko ang katawan ni Chessy na hindi nagbabago ng direksyon ng aking mga mata. Di ko sinasadya na naramdaman ang pag-agos ng butil ng luha sa gilid ng aking mga mata. "John Dave, where are you? Please show to us." Pakiusap ko sa kanya sa isip ko. Tumayo si Chessy saka umupo na tumingin sa akin. "I'm fine," sabi ko sa kanya habang kinakausap ko na parang tao. Papikit-pikit naman ito sa akin na animo'y naiintindihan niya ang sitwasyon. Napangiti tuloy ako sa kanyang mga kinikilos. Nakiki simpatya naman siya sa akin. "Ohh," Sabi ko saka ko siya niyakap ng patagilid. "Thank you, Chessy, you understand me," Sabi ko saka ko ginulo ang kanyang balahibo. Hindi niya yata nagustuhan ang ginawa ko dahil inayos niya agad ang nagulo niyang balahibo sa pamamagitan ng pagdila. Bigla naman akong natulala dahil sa isipang nasaan kaya si John Dave? Huminga ako ng malalim saka nagbuga ng hangin sa kawalan. Nagulat ako bigla ng pati ang kamay ko ay dinilaan ni Chessy. Naramdaman ko ang magaspang niyang dila sa aking mga palad. "No, Chessy, that's not your fur anymore." Sabi ko at tinanggal ko ang aking palad na nakahawak pa sa gilid ng kanyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD